Bakit kinakagat ng Pinoy ang mga foreign celebrities (The Young Critic)
October 4, 2000 | 12:00am
Sa palagay ko sooner or later ay madidiskubre rin ng mga foreign talents tulad nina Thalia at Fernando Carrillo na ang kanilang tinatamong kasikatan sa Pilipinas ay nag-uugat sa kanilang mga character na ginagampanan sa telebisyon at hindi dahil sa kanilang personal na katangian o karisma. Gaya rin nina Dayanara Torres at Michelle Van Eimereen na puhunan naman ang pagiging beauty queen para magkaroon ng entertainment careers sa Pilipinas. Na-sustain nga ang popularity ni Dayanara dahil sa pagiging girlfriend niya ni Aga Muhlach at gumawa pa nga sila ng ilang pelikula rito, pero madali ring nagsawa ang local fans sa mga foreign talents.
Ang pelikula ni Thalia na Mambo Café ay mukhang hindi kumita, hindi pinag-uusapan o dinudumog ng mga tao. Pero dinumog ang kanyang unang concert sa Maynila pagkatapos ng seryeng Marimar. Pati nga yung leading man ni Thalia na si Sergio at yung aso sa telenovela ay dinala rito sa Maynila at sikat din. Pero hindi na yata sobra ang init ng popularity ni Thalia on her second time around.
Parang flavor of the month ngayon si Fernando Carrillo at para namang napakaamo ng suwerte para sa kanya dahil kahit saan siya magpunta ay dagsa ang mga taong curious siyang makita. He seems to be a nice guy. He’s definitely not a young stud, he is almost 35 the way I look at him– a very mature, confident person who is well-educated, well-traveled and who knows what to say at all occasions without offending anyone or boring anyone either. Charming, pero hindi guwapong tulad ni Richard Gomez or Aga Muhlach, mas mature lang ang dating at mas macho ang appeal na parang Julio Iglesias of Richard Gere.
Galing daw si Fernando sa isang buena familia sa Venezuela at anak din ng isang actor na naging presidente ng Venezuela Actors Guild. Nag-aral si Carrillo sa London at for the past four years ay naka-base siya sa Los Angeles. Nagpo-promote si Fernando dito ng bago niyang telenovela para sa Channel 9 at Viva at balak daw siyang itambal kay Regine Velasquez sa isang pelikula. Dito siguro malalaman na talaga kung paano tatangkilikin si Fernando Carrillo ng local audience. Dahil ang box-office raw ng isang entertainment personality ay tunay na sukatan ng popularidad at kasikatan. Money talks, sabi nga. Ang mga telenovela naman o sitcoms sa telebisyon libre, ang mga personal appearance libre, pero kapag pelikula na o kaya concert ang pinag-uusapan may bayad na sa takilya, doon na talaga nadidiskubre kung gaano ang pagtangkilik ng mga fans. Kung magbabayad sila upang makita ng personal o makita kung magpe-perform.
Noong panahon ng kasikatan daw ni Vilma Santos, halimbawa, first day pa lang ng pelikula niya ay pinanonood na at pinipilahan sa sinehan ng mga fans maaga pa lamang. Kahit anong klaseng pelikula, kahit sino ang ka-partner niya o sino man ang direktor, kahit drama o suspense thriller–kahit Sister Stella o Tagos ng Dugo. Pinag-iipunan ng pera para lamang makapanood. Basta gagawan ng paraan. Ganoon din daw ang mga fans ni Nora Aunor. Ewan ko lang kung ganoon din ang mga fans nina Judy Ann Santos, Claudine Barretto o Jolina Magdangal.
Sa tingin ko lang ang tunay na kasikatan ng isang entertainment personality ay sa laki ng perang isinampa ng kanyang pelikula, recording, concerts o sa kaso ng television shows ay kung gaano karami ang mga commercials na nakapila sa commercial load nito at kung magkano. Halimbawa sa top rating 30 minute sitcom na Friends sa America ang anim na bida sa nasabing sitcom ay one million dollars ang talent fee bawat isang episode kaya kung ika-calculate mo ay sobra sa $10 million ang production cost bawat 30 minute episode sa isang sitcom na wala namang expensive special effects. At sumisikat na rin sa pelikula ang ibang nasa cast tulad nina Jennifer Aniston at Lisa Kudrow.
Dito sa atin ang kasikatan naman ng isang artista sa telebisyon ay nakabase rin sa network at programming ng kanyang shows na nilalabasan. Halimbawa kung ikaw ay talent sa isang noontime variety show sa Channel 13, ano pa kaya ang laban mo sa harap ng kompetisyong ABS-CBN at GMA-7. Bibihira siguro yung talent na nagdadala sa network sa kasikatan. Mapapansing ang madalas magsilipat na mga talents ay napupuntang ABS-CBN at ang mga hindi ma-accommodate ng Channel 2 ay nagse-settle down sa GMA-7. Ang mga nakakasamaang loob ng ABS-CBN gaya nina Mel Tiangco at Jay Sonza ay lumilipat sa GMA-7. Nagkaroon din ng balita noon na lilipat na raw sina Korina Sanchez at Noli de Castro sa Channel 7, pero parang nabura na ang balita nang umalis na si Dong Puno sa ABS-CBN at naging Malacañang spokesman.
Nang mag-decide ang ABS-CBN para sa sarili nilang noontime show, pinatalsik ang Eat Bulaga sa Channel 7. Ang pagkakaroon nina Rudy Fernandez, Phillip Salvador at Bong Revilla ay isang malaking tagumpay sa GMA-7 ng shows sa Channel 7 samantalang sina Robin Padilla at Cesar Montano naman ay nasa ABS-CBN. Nandoon din sina Richard Gomez at Aga Muhlach, Sharon Cuneta, Maricel Soriano at Dolphy na considered major box-office stars hanggang ngayon.
Ang nakapagtataka lang sa dinami-dami ng mga baguhang talents sa local entertainment industry ngayon ay dependent pa rin tayo sa mga old names on the business for projects. Walang bagong mukha o pangalang umaangat upang sumikat on their own. At kung mayroon man, parang napakabilis ng kasikatan. Hindi na umaabot ng five years. Parang nawawalan na ng gana ang mga fans kay Rico Yan, Bobby Andrews, Onemig Bondoc, Jake Roxas na kamakailan lang ay pinagtitilian ng mga fans.
Approved na bilang rated R-18 ang bagong release na pelikula ngayon ng Solar Films na Friends and Lovers kahit na marami itong pumping scenes at full frontal nudity. Medyo yata maluwag ngayon ang censors sa mga pelikulang sexual ang theme and situations tulad ng kasalukuyang Jim Carrey starrer na Me, Myself and Irene.
Ang Friends and Lovers ay tungkol sa isang grupo ng magkakaibigan na nagkasundong ipagdiwang ang Pasko sa ski resort na pag-aari ng tatay ng isa nilang kaibigan. Magkakaroon sila ng mga kakaibang emotional happenings at madidiskubre nila ang kani-kanilang partner sa buhay. Masaya naman ang ending ng movie at isa sa mga bida rito si Robert Downey, Jr. at ang sikat na model na si Claudia Schieffer.
Email:@ [email protected]

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am