^

PSN Showbiz

Rufa iniyakan ang paghihiwalay nila ni Hatfield

RATED A - Aster Amoyo -
Halos wala sa sarili ang sexy star na si Rufa Mae Quinto nang humarap sa mini-presscon ng Hula Mo, Huli Ko ng Reflection Films na pinamahalaan ni Edgardo ‘Boy’ Vinarao at intended para sa darating na MMFF.

First time naming nakitang umiyak si Rufa Mae – iniyakan niya ang tuluyan nilang paghihiwalay ng kanyang nobyong cager na si Rudy Hatfield na kamakailan lang niyang nakabalikan pero tuluyan na umano silang naghiwalay nung nakaraang Nov. 20.

"Masakit," aniya. "Napakasakit ng paghihiwalay namin pero hindi ko na kailangan pang mag-elaborate.

Marami ang ibinabatong isyu ngayon sa sexy star. Kesyo ang jaguar car niya ay bigay sa kanya ng bagong lover na actor-politician na pinabulaanan ng aktres.

"Hindi pa nga ako gaanong nakakabawi sa pagkamatay ng father ko and lately, itong paghihiwalay namin ni Rudy, kung anu-ano na ang ginagawa nilang isyu sa akin. Ano ba naman ‘yun? Hindi ba ako puwedeng umasenso eh pinapatay ko nga ang sarili ko sa sobrang trabaho?" reklamo niya.

"Si Gretchen (Barretto) mismo ang makapagpapatotoo na ako mismo ang bumili ng jaguar car. Nag-down ako ng mahigit P1-M at binabayaran ko naman sa bangko ang P70,000 monthly amortization. O baka gawin nilang isyu na may nagbigay din sa akin ng Roadtrek dahil nabili ko ‘yon kay Osang (Rosanna Roces)?" reklamo pa ng sexy star.

"Sana naman, isipin naman nila na halos patayin ko ang sarili ko sa trabaho. Tatlo ang regular TV shows ko at dalawa ang pelikula ko ngayon at may sisimulan na naman akong bago, hindi naman siguro kataka-taka na may sarili akong kita kaya nga rin ako nakapagpundar ng bahay (sa may Acropolis) at sasakyan," paliwanag pa niya.

Bukod sa kanyang trabaho, si Rufa Mae ay nagtayo na rin ng sarili niyang negosyo na kasosyo ang kanyang uncle. May itinayo siyang parlor at boutique sa may Aguirre St., sa BF Homes, Parañaque at meron din silang money changer shop. Pinangalanan niyang Booba Secret (as in Victoria Secret) ang kanyang parlor at Booba’s Collection naman para sa kanyang boutique.

Samantala, aminado si Rufa Mae na super-bait at super gentleman ang kanyang producer at kapareha sa Hula Mo, Huli Ko na si Rudy Fernandez.

"Napakasarap na katrabaho ni Daboy. Bukod kasi sa mabait, super thoughtful pa at parati siyang may pasalubong sa akin sa set," kuwento pa niya.

Si Daboy ang second na pinakamalaking artista na nakatrabaho niya after Bong Revilla.
* * *
Nakaalis na nung nakaraang Miyerkules ang tropa ng Mano Po ng Regal Films patungong Beijing, China kung saan kukunan ang ilang eksena ng pelikula. Bukod sa lady producer na si Mother Lily Monteverde, ang anak nitong si Roselle Monteverde Teo, ang supervising producer na si Manny Valera, ang PR lady na si Dolor Guevarra at ang director ng pelikula na si Joel Lamangan at production staff and crew nito, kasama rin sa Beijing sina Kris Aquino, Maricel Soriano, Ara Mina, Cogie Domingo, Maxene Magalona at ilang kinatawan ng TV and print entertainment media.

vuukle comment

AGUIRRE ST.

ARA MINA

BEIJING

BONG REVILLA

BOOBA SECRET

BUKOD

HULA MO

HULI KO

RUFA MAE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with