Gary E. interesadong maging 'kept woman'
November 11, 2002 | 12:00am
Hindi pa man naisapelikula ang Erlinda Marikit ay naging maingay na ito sa kung sino ang papapel bilang "kept woman" ng isang opisyal ng Hapon. Isa itong period movie na naganap noong panahon ng pananakop ng mga Hapones sa ating bansa.
Kaya ito naging maingay dahil naibalitang interesado ang World Arts Cinema na kunin si Onemig Bondoc para sa naturang papel. Ayon sa prodyuser ng WAC na si Ms. Jojo Galang ay bagay na bagay ang naturang papel sa aktor at tinitiyak na malaki ang maitutulong nito sa movie career ng aktor. "Makikilala siyang isang magaling na aktor pagkatapos niyang gawin ang pelikulang ito."
Sa presscon ng Gising na si Adan na bidang lalaki si Gary Estrada ay naka-scoop ang mga manunulat dahil unang inalok pala itong si Gary para gampanan ang papel ng isang binabae.
"Inalok sa akin yan ni Direk Joel Lamangan noon, pero wala na siyang follow-up. Interesado ako sa pelikula dahil naiiba ang aking gagampanan. Tatanggapin ko ang movie kung i-offer sa akin yon."
Ayon sa balita, walang nakausap noon ang direktor na movie prodyuser na handang isapelikula ang Erlinda Marikit kaya pansamantalang naisantabi muna ito. Ngayon ay malaki ang posibilidad na matuloy dahil hawak na ito ng WAC na naghahanap ng gaganap na bida ng pelikula. Masyadong nagandahan sa istorya si Mam Jojo kaya handa raw nitong gastusan ng malaking halaga. AD

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended