Edu hindi nag-renew ng contract sa 'TWL'
July 13, 2002 | 12:00am
Six months na pala ang baby ni Direk Joyce Bernal. Girl ang first kid ni Direk na hanggang ngayon ay hindi pa rin niri-reveal ang real father. Na-feature na sa isang magazine at cute na cute raw ang baby ayon sa mga nakakita.
Ang baby girl niya rin ang reason kung bakit siya pumayag na i-direk ang pinakaunang cinenovela sa television, Ang Iibigin Ay Ikaw starring Christopher de Leon, Richard Gomez, Alice Dixson and Lani Mercado. "Kung siguro ako lang, hindi ko tatanggapin to. Yung mga gusto ko lang project ang gagawin ko. Pero may baby na kasi ako," she said after the launching ng said cinenovela sa Studio 3 ng GMA 7.
Kaya lang, hindi niya puwedeng dalhin sa taping ng Ang Iibigin Ay Ikaw ang baby dahil grabe ang sequences na kinukunan nila every taping day and walang space na puwede niyang pag-iwanan sa baby. "Sa shooting kasi, hindi ganoon ka-grabe ang trabaho namin. Five sequences lang, okey na kami, dito 30 sequences na kami, hindi pa tapos," she said.
Compared sa pelikula, feeling ni Joyce mas mahirap mag-direk nitong first ever cinenovela. One year ang contract na pinirmahan niya sa GMA kaya wala siyang choice kundi tapusin yun although medyo hirap siyang mag-adjust - from movie to TV directing. "First time ko talaga to. Non kasing ipatawag ako ni Mr. Duavit, iba kasi siyang mag-English so kahit hindi ko masyadong naiintindihan, oo na lang ako nang oo," she said.
So far, wala pa naman silang nai-encounter na problema especially sa mga artista niya. "Ako tatagal, pero ewan ko sa kanila." Pero kahit busy siya sa TV, gagawa pa rin siya ng movie.
Anyway, going back to her personal life, lately ay nagkakaroon ng issue sa kanila ni Dexter Doria dahil malimit daw silang makitang magkasama. "Cheap naman non," react niya. Pero isang source ang nagsabi na kaya naman sila magkasama minsan, because they have one thing in common. Ang father ng baby Joyce at ang boyfriend ni Dexter ngayon ay magkasama sa iisang lugar. Hulaan nyo na lang kung saan yun.
In any case, sa Monday na magi-start ang Ang Iibigin Ay Ikaw. Pero ayaw pang ibigay ng GMA kung anong oras ito ipalalabas. "Basta ang target audience namin, yung mga misis na hindi makatulog sa gabi," nagbibirong sabi ni Direk Joyce.
Grabe na kasi ang competition sa teledrama kaya ayaw muna nilang i-reveal ang oras nito para raw walang makatapat sa Dos.
Dito raw kasi makikita kung paano pinagsama-sama ang galing at sining ng dalawang media, ang sine at telebisyon na mula sa panulat ng multi-awarded scriptwriter na si Gina Marissa Tagasa.
Iikot ang kuwento nito kina Lemuel (Boyet de Leon), isang mayamang inhinyero na magkakagusto kay Mia (Alice Dixson), na asawa naman ni Waldo (Richard Gomez). Kasama rin sina Lani Mercado, Jackielou Blanco, Mark Gil, Barbara Perez, Boots Anson Roa, Rio Locsin, Bembol Roco, Rosa Rosal, Karen delos Reyes, AJ Eigenmann, Chubi del Rosario and many more.
Palabas ito from Monday to Friday, starting July 15, Monday.
Si Bong Revilla pala ang leading man ni Pops Fernandez sa gagawin niyang movie sa Viva Films. Samantalang tuloy na raw ang movie nina Richard Gomez and Sharon Cuneta. Si Regine Velasquez naman ang leading lady ni Christopher de Leon sa next movie niya. Mismong Viva insider ang nag-confirm nito tungkol sa kanilang mga naka-line-up na project before the end of the year.
Speaking of Bong, marami pala siyang death threat ngayon after ng raid nila sa Quiapo. Hindi naman daw nagwo-worry si Bong pero natatakot lang siya para sa mga anak niya.
Si Bong kasi ang naglakas-loob na i-raid ang Quiapo area kung saan talamak ang bentahan ng pirated goods.
Kahapon, pormal nang nag-submit ng letter si Edu Manzano sa Viva Films na nagsasabing hindi na siya magri-renew ng contract niya as host ng The Weakest Link. Hindi na na-patch-up ang ilang bagay na request ni Edu sa Viva. Walang kinalaman sa rating o commercial load ang hindi pagri-renew ng contract ni Edu. Wala ring kinalaman ito sa pagpapalit ng host. May ilang request lang si Edu na hindi ibinigay ng Viva kaya nag-decide na siyang iwanan ang show.
Besides, aside from Kay Tagal Kang Hinintay, may apat na standing offer ang ABS-CBN sa actor kasama na rito ang comedy show with his son Lucky.
Actually, tama lang ang decision ni Edu. Mas okey na yung mag-resign siya ngayon habang mataas pa ang rating ng The Weakest Link. At least siya ang nang-iwan sa show kaya walang reason sa intriga.
Second, cancelled na sa US ang TWL. Kaya malamang na pag nawala na si Edu sa show, mag-goodbye na rin ito sa ere dahil ngayon pa lang ay hindi na ma-imagine ng mga televiewers ang TWL nang wala si Edu. Sayang lang kung tutuusin.
Ang baby girl niya rin ang reason kung bakit siya pumayag na i-direk ang pinakaunang cinenovela sa television, Ang Iibigin Ay Ikaw starring Christopher de Leon, Richard Gomez, Alice Dixson and Lani Mercado. "Kung siguro ako lang, hindi ko tatanggapin to. Yung mga gusto ko lang project ang gagawin ko. Pero may baby na kasi ako," she said after the launching ng said cinenovela sa Studio 3 ng GMA 7.
Kaya lang, hindi niya puwedeng dalhin sa taping ng Ang Iibigin Ay Ikaw ang baby dahil grabe ang sequences na kinukunan nila every taping day and walang space na puwede niyang pag-iwanan sa baby. "Sa shooting kasi, hindi ganoon ka-grabe ang trabaho namin. Five sequences lang, okey na kami, dito 30 sequences na kami, hindi pa tapos," she said.
Compared sa pelikula, feeling ni Joyce mas mahirap mag-direk nitong first ever cinenovela. One year ang contract na pinirmahan niya sa GMA kaya wala siyang choice kundi tapusin yun although medyo hirap siyang mag-adjust - from movie to TV directing. "First time ko talaga to. Non kasing ipatawag ako ni Mr. Duavit, iba kasi siyang mag-English so kahit hindi ko masyadong naiintindihan, oo na lang ako nang oo," she said.
So far, wala pa naman silang nai-encounter na problema especially sa mga artista niya. "Ako tatagal, pero ewan ko sa kanila." Pero kahit busy siya sa TV, gagawa pa rin siya ng movie.
Anyway, going back to her personal life, lately ay nagkakaroon ng issue sa kanila ni Dexter Doria dahil malimit daw silang makitang magkasama. "Cheap naman non," react niya. Pero isang source ang nagsabi na kaya naman sila magkasama minsan, because they have one thing in common. Ang father ng baby Joyce at ang boyfriend ni Dexter ngayon ay magkasama sa iisang lugar. Hulaan nyo na lang kung saan yun.
In any case, sa Monday na magi-start ang Ang Iibigin Ay Ikaw. Pero ayaw pang ibigay ng GMA kung anong oras ito ipalalabas. "Basta ang target audience namin, yung mga misis na hindi makatulog sa gabi," nagbibirong sabi ni Direk Joyce.
Grabe na kasi ang competition sa teledrama kaya ayaw muna nilang i-reveal ang oras nito para raw walang makatapat sa Dos.
Dito raw kasi makikita kung paano pinagsama-sama ang galing at sining ng dalawang media, ang sine at telebisyon na mula sa panulat ng multi-awarded scriptwriter na si Gina Marissa Tagasa.
Iikot ang kuwento nito kina Lemuel (Boyet de Leon), isang mayamang inhinyero na magkakagusto kay Mia (Alice Dixson), na asawa naman ni Waldo (Richard Gomez). Kasama rin sina Lani Mercado, Jackielou Blanco, Mark Gil, Barbara Perez, Boots Anson Roa, Rio Locsin, Bembol Roco, Rosa Rosal, Karen delos Reyes, AJ Eigenmann, Chubi del Rosario and many more.
Palabas ito from Monday to Friday, starting July 15, Monday.
Speaking of Bong, marami pala siyang death threat ngayon after ng raid nila sa Quiapo. Hindi naman daw nagwo-worry si Bong pero natatakot lang siya para sa mga anak niya.
Si Bong kasi ang naglakas-loob na i-raid ang Quiapo area kung saan talamak ang bentahan ng pirated goods.
Besides, aside from Kay Tagal Kang Hinintay, may apat na standing offer ang ABS-CBN sa actor kasama na rito ang comedy show with his son Lucky.
Actually, tama lang ang decision ni Edu. Mas okey na yung mag-resign siya ngayon habang mataas pa ang rating ng The Weakest Link. At least siya ang nang-iwan sa show kaya walang reason sa intriga.
Second, cancelled na sa US ang TWL. Kaya malamang na pag nawala na si Edu sa show, mag-goodbye na rin ito sa ere dahil ngayon pa lang ay hindi na ma-imagine ng mga televiewers ang TWL nang wala si Edu. Sayang lang kung tutuusin.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended