Sino'ng talo sa Rica, Via feud?
October 13, 2001 | 12:00am

"Di ako papatol o makikipagtarayan. It’s not my cup of tea," anang isa pa na para naman kay Rica Peralejo.
Ang dalawang sexy actresses ay parehong may natapos na pelikula at kung susubukan ng tadhana ay baka magkasabay pang ipalabas sa mga sinehan. Ito ang nagbubunsod kung kaya parang may away ang dalawa na kung ang pagbabasehan ng mga mambabasa at manonood ay walang kakwenta-kwentang patutsadahan. O baka naman ito ay isang gimik lamang para mai-promote ang kani-kanilang pelikula. In any case, pareho silang talo, lalabas pang napaka-cheap nila para patulan ang pagsasabong sa kanila ng dalawa ng mga tao na ang layunin lamang ay mapag-usapan ang pelikula ng dalawa, gaano man kababaw lumabas sina Rica at Via.
Hindi na bago kay Rica ito. Bago ipalabas ang movie ni Assunta de Rossi ay nagamit din ang pangalan niya sa publicity gimik nito. Nung may ginawa rin si Joyce Jimenez sa Regal ay pinagkumpara rin sila.
"Nagkikibit-balikat na lang ako. Iniisip ko na hindi naman siguro nila sinasabi yun. Baka lang some writers put words into their mouths para lang magkaroon ng intriga. Eh, ba’t naman ako papatol o makikipagtarayan. It’s not my cup of tea. At sa akin, live and let live at magsikap na mapabuti ang aking craft at maging isang actress in the real sense of the word," ani Rica who is promoting her boldest movie to date, Erik Matti’s Dos Ekis with Mark Anthony Fernandez.

"Hindi kayang gawin ng ibang sexy stars ang ginawa ko sa latest movie ko, kahit pa si Rica," ang walang gatol niyang sabi. "Maganda ang pelikula, tinitiyak kong hindi ako mapapahiya," dagdag pa niya.
Sinabi ng itinuturing na "flawless beauty" na kung nagsasalita man siya ay sinasagot lamang niya ang diumano ay sinasabi tungkol sa kanya ni Rica.
"Kung nagpaparinig man siya, hinahamon ko siya!," pakli pa niya.
"Gusto ko lang maging versatile. Besides, napaka-artistic ng mga shots ng movie para maituring ito na isang all out bold movie," sabi ng malapit nang maging isang ganap na piloto.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended