Mahal mag-direk si Cesar Montano
October 7, 2001 | 12:00am
Pinuna namin during the presscon ng Mananabas ang pagiging mukhang bata ni Cesar Montano. "Im so blessed dahil bukod sa nakatagpo ako ng maganda at mabait na misis at baby namin na si Angelina Isabelle ay sunud-sunod rin ang aking projects hindi lang sa pelikula gayundin sa telebisyon," aniya.
Ibayong sakripisyo ang ginawa ni Buboy sa pelikulang Mananabas dahil nag-work-out ito at dalawang buwang nag-take ng supplement kaya maganda ang pangangatawan. Ginastusan ang proyekto kung saan nagdagdag pa sila ng 7-M para maging worth-seeing ang movie.
Bankable ngayon si Assunta de Rossi at kumita na naman sa takilya ang pelikula niyang Sisid.
Ang bentahe nito ay hindi lang pagpapakita ng kanyang katawan kundi ang talino sa pag-arte.
Sunud-sunod rin ang mga pelikulang ginagawa niya ngayon.
Katunayan siya ang sinasabing makakatambal ni Cesar Montano sa gagawin nilang pelikula sa Solar.
Nag-react ang pamilya ng kaibigan kong hairdresser na si Jun Encarnacion sa balitang lumabas sa isang tabloid na nagsasabing may taning na ang buhay nito dahil sa kanyang karamdaman. Ayon sa kanila ay hindi totoo ang balita bagamat may regular check-up ito sa UST hospital.
Last month lang ay nagkita kami sa kanyang parlor sa Tutuban at wala pa ring pagbabago sa kanya. Masigla pa rin ito at tinanong ko kung kailan uli siya lalabas sa pelikula. Ayon kay Jun ay nagpapahinga siya dahil sa pagiging abala sa kanyang mga parlor pero puwede siyang lumabas paminsan-minsan sa telebisyon bastat huwag lang magpupuyat. Kinumusta ko rin ang kanyang karamdaman at sinabi nitong okey na siya. Yon nga lang nabawasan ang kanyang timbang.
Isa si Jun sa pinakamabait na celebrity hairdresser na nakilala ko at talagang matulungin ito sa kanyang kapwa. Nakikiusap ang kanyang ka-pamilya na sanay bago magsulat ng balita ay alamin muna kung totoo ngang malala na ang kanyang karamdaman. Nagtataka sila kung saan nakuhang may taning na ang buhay nito.
Natutuwa ang aming kaibigang si Jess Sanchez dahil malaking break ang naipagkaloob sa kanya nang mapasama bilang isa sa Mananabas na tinatampukan ni Cesar Montano. Enjoy siya sa syuting lalo na sa mga fight scenes nila ni Buboy. Maganda ang working relationship ng dalawa at sinabing mahusay makisama ang action star at kahit siya ang bida at direktor ng pelikula ay hindi ito mahirap abutin. Nakatungtong pa rin ang mga paa nito sa lupa ayon pa kay Jess.
Nagsimula ito bilang producer at aktor noong 1994 sa pelikulang Tigre ng Mindanao. Naging kontrabida ito matapos magprodyus ng movies sa kanyang Buffalo Films.
Hindi niya malilimutan ang Bagamundo under Solar Films dahil markado ang kanyang papel dito. Nang mag-iba ito ng linya mula sa pagiging bida hanggang kontrabida ay mas nag-improve ang kanyang acting. "Challenging kasi ang mga papel na ginagampanan ko bilang kontrabida at kailangang pag-aralang mabuti ang role. Natutuwa naman ako dahil may ibang nainis at nagagalit sa akin kaya effective din ako sa mga pagganap sa character role," aniya.
Sapul nang maging kontrabida ay hindi ito nabakante sa paggawa ng pelikula. Nakalinya na ang Burara na tatampukan nina Tonton Gutierrez at Via Veloso sa direksyon ni Dante Pangilinan.
Kapag hindi abala sa syuting o taping ay namamahala ito ng kanyang negosyo bilang exporter ng Buffalo Jeans kung saan may walo itong branches sa Kamaynilaan.
Ibayong sakripisyo ang ginawa ni Buboy sa pelikulang Mananabas dahil nag-work-out ito at dalawang buwang nag-take ng supplement kaya maganda ang pangangatawan. Ginastusan ang proyekto kung saan nagdagdag pa sila ng 7-M para maging worth-seeing ang movie.
Ang bentahe nito ay hindi lang pagpapakita ng kanyang katawan kundi ang talino sa pag-arte.
Sunud-sunod rin ang mga pelikulang ginagawa niya ngayon.
Katunayan siya ang sinasabing makakatambal ni Cesar Montano sa gagawin nilang pelikula sa Solar.
Last month lang ay nagkita kami sa kanyang parlor sa Tutuban at wala pa ring pagbabago sa kanya. Masigla pa rin ito at tinanong ko kung kailan uli siya lalabas sa pelikula. Ayon kay Jun ay nagpapahinga siya dahil sa pagiging abala sa kanyang mga parlor pero puwede siyang lumabas paminsan-minsan sa telebisyon bastat huwag lang magpupuyat. Kinumusta ko rin ang kanyang karamdaman at sinabi nitong okey na siya. Yon nga lang nabawasan ang kanyang timbang.
Isa si Jun sa pinakamabait na celebrity hairdresser na nakilala ko at talagang matulungin ito sa kanyang kapwa. Nakikiusap ang kanyang ka-pamilya na sanay bago magsulat ng balita ay alamin muna kung totoo ngang malala na ang kanyang karamdaman. Nagtataka sila kung saan nakuhang may taning na ang buhay nito.
Nagsimula ito bilang producer at aktor noong 1994 sa pelikulang Tigre ng Mindanao. Naging kontrabida ito matapos magprodyus ng movies sa kanyang Buffalo Films.
Hindi niya malilimutan ang Bagamundo under Solar Films dahil markado ang kanyang papel dito. Nang mag-iba ito ng linya mula sa pagiging bida hanggang kontrabida ay mas nag-improve ang kanyang acting. "Challenging kasi ang mga papel na ginagampanan ko bilang kontrabida at kailangang pag-aralang mabuti ang role. Natutuwa naman ako dahil may ibang nainis at nagagalit sa akin kaya effective din ako sa mga pagganap sa character role," aniya.
Sapul nang maging kontrabida ay hindi ito nabakante sa paggawa ng pelikula. Nakalinya na ang Burara na tatampukan nina Tonton Gutierrez at Via Veloso sa direksyon ni Dante Pangilinan.
Kapag hindi abala sa syuting o taping ay namamahala ito ng kanyang negosyo bilang exporter ng Buffalo Jeans kung saan may walo itong branches sa Kamaynilaan.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended