Eric, masama ang loob sa 'Bubble Gang'
July 28, 2001 | 12:00am
"Enjoy ako sa paglabas-labas sa TV gaya rito sa Kasangga dahil challenging ang mga roles na napupunta sa akin, mga naiibang roles, hindi tulad ng mga papel na mayaman. Ayoko na ng mga ganun," sabi ni Eric Fructuoso sa latest episode ng nasabing serye sa direksyon ni Edgardo "Boy" Vinarao, Tatlong Suspek, Nagtuturuan.
Ang pinakahuling pelikula ni Eric ay ang Most Wanted noong isang taon. "Puro exercise lang ang pinaggagawa ko pag walang project, pero mostly, nasa Boracay lang ako talaga, doon lang ako," sabi ng dating member ng Guwapings.
Isang taon na siyang wala sa Bubble Gang kung saan kasama siya rito mula nang itoy magsimula noong 1995. "Basta tinanggal lang nila ako doon," sabi niyang may hinanakit. "May reason kung bakit ako tinanggal, pero iba-iba, eh. Ayoko nang magsabi kung anong reason dahil hindi ko talaga alam kung ano ang totoong reason. Kung sino man ang nag-decide nun, sumama ang loob ko. Things happened. Ayoko nang magsalita sa pagkakatanggal sa akin dahil wala na ako doon and I dont care."
Beynte-kuwatro anyos na si Eric. "Single pa rin ako pero may anak na ako. Nag-aaral na si Tres, kinder. Kaya Tres, kasi Eric Fructuoso III siya. Ang anak ko, nasa nanay niya who is still studying, graduating ngayon. Hiwalay kami ng mother ng anak ko. I stay with my parents in Parañaque. Taga-roon din yung girl. Tulungan kami ng nanay sa pagpapa-aral sa anak namin. Inaayos ko yung kailangan kong ayusin. Siya, busy naman sa pag-aaral niya kaya take time muna kami. Pag wala nang problema, baka maging maayos nang lahat.
Ang ibig bang sabihin nito, pakakasalan na niya yung babaeng inanakan niya? "Paano ba?" nagugulumihanan niyang sagot. Lito ang kausap kong aktor. Gusto niyang magsasagot ng tanong, hindi naman niya alam kung paano sasagutin. "Basta we consider each other as having friendship. Basta maayos lang. Ibang topic na lang ang pag-usapan natin. Kasi, nag-aaral na yung anak ko, eh."
Nagkikita pa ba sila regularly ng kapwa-Guwapings na sina Jomari Yllana at Mark Anthony Fernandez? "Paminsan-minsan. Syempre, may kanya-kanya na kaming lakad. Hindi na kami gaya ng dating Guwapings na laging magkakasama. Hindi na kami mga bata. A, noon, iba. Sobra ang hilig namin sa kotse noon."
Siya ba ang unang nakaalam na nalulong sa drugs noon si Mark? "Kung may mga tao na nag-uusap tungkol sa tsismis, lumalayo ako. Ayoko ng may nalalaman ako, tapos, pag nakikita ko yung tao, naaawa lang ako, dahil sa loob-loob ko, kawawa naman ito, pinag-uusapan, pinagtsitsismisan, ayoko ng ganun. Nung time na yon, may anak na ako, may anak na rin si Mark, kanya-kanya na kaming lakad."
Muli, napunta sa pribado niyang buhay ang paksa. "Pare-pareho lang kaming nagka-baby noon. Hindi aksidente yung sa akin. Plinano ko yon. Ginusto ko yon. Its just that, hindi biro ang marriage. Hindi sa hindi pa ako puwedeng mag-asawa. Hindi lang ako nagmamadali. As of now, wala akong plano kung kailan ako mag-aasawa. It could be anytime soon. It could be anytime later. Kasi, pag sinabi kong gusto kong magpakasal pagdating ko ng trenta, paano kung wala naman yung tamang babae? Basta darating na lang yon. Hindi ako nagmamadali."
Ano ang sinasabi ng magulang niya? "Paano ba?" tanong din ang kanyang sagot. "Basta hindi ko maaaring iwan ang parents ko. Nag-iisang anak ako, eh. Hindi ako puwedeng humiwalay sa kanila. Normal lang ang tingin nila sa nangyari sa akin. Hindi naman kami yung sobrang ginagawang big deal lahat ng bagay."
Hindi komot kokonti lang ang dumalong mga pulitiko at artista sa launching ng Metro Manila Film Festival 2001, indikasyon na ito na hindi ito magiging matagumpay. Sukat ba namang umulan nang halos pitong oras nung araw na yon, ano ang aasahan mo?
Pero bilib ako sa mga singing stars na nagsipagdalo gaya nina Dulce, Dessa, Marco Sison at Sunshine Dizon na nagbigay-sigla kahit konti lang ang dumalo sa nasabing pagtitipon. Nakalimutan sumandali ng mga nakarating ang masungit na panahon. Ilang ulit din nilang pinalakpakan at pinabalik si Dulce.
Ang MMFF ang tanging okasyon para makapanood ng magagandang pelikulang Tagalog ang masa, lalo nat panahon pa ng Kapaskuhan. Hindi lang mga pelikula ang inaabangan ng mga tao kundi pati na ang parada ng mga bituing kasama ang pelikula sa pestibal. Inaasahang magaganda talaga ang mga entries para marahuyo ang mga manonood. Pero kung ang ipapasok lang ng mga local producers ay yung mga pelikula nilang matagal nang naimbak at hindi lang makakuha ng tamang playdate, disaster ang resulta nito.
Noong isang taon, tanging Deathrow at Tanging Yaman lamang ang masasabing tunay na quality films na pumasok dahil kahit ibang award-giving bodies ay pinahalagahan ang katangian nila bilang pelikula. Umabot sila sa kategoryang best picture.
Pero hanggang ngayon, hindi pa maduplika ang MMFF 1976 kung saan naglaban-laban ang mga pelikulang Minsay Isang Gamugamo ni Lupita Concio, Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon? ni Eddie Romero at Insiang ni Lino Brocka. Ang tatlong pelikulang ito ay naging klasiko sa paglipas ng panahon, at hanggang ngayon, kung panonoorin ang mga ito, nakakaantig pa rin ng damdamin.
Ang inaasahang maglalaban-laban sa panahong ito ay ang mga pelikulang gawa nina Marilou Diaz-Abaya, Laurice Guillen, Chito Roño, Jose Javier Reyes at Joel Lamangan.
Pinakamatumal na marahil ang taong kasalukuyan sa tagumpay ng pelikula sa takilya. Dahil na rin sa social upheavals na naganap, gaya ng impeachment trial, people power, election, paghigpit ng sensura o MTRCB dahil sa Live Show, pagpasok ng matinding commercial Hollywood films, atbp.
Pero sa kabila ng lahat ng ito, patuloy pa rin ang interes ng tao na manood ng pelikulang Tagalog dahil mas naiintindihan nila ito. May audience pa rin ang pelikulang Tagalog at ito ang dahilan kung bakit hindi ito mamamatay sa gitna ng karisma ng mga pelikulang dayuhan, at tumitining ito tuwing dumarating ang Metro Manila Film Festival tuwing Disyembre.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended