^

Punto Mo

College student sa china, nakapagtala ng Guinness World Record sa jump rope

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAGPAMALAS ng husay si Alapati Yimaier, isang 23-anyos na ­estudyante ng Changji University, nang magtala siya ng 388 skips sa jup rope sa loob ng isang minuto, na naging bagong Guinness World Record.

Sa harap ng higit 100 mag-aaral at guro, naabot niya ang tila imposibleng hamon sa gymnasium ng kanilang unibersidad.

Nagsimula ang hilig ni Alapati sa jump rope noong middle school. “Sa una, katuwaan lang ito, pero natutunan kong mahalin ang sport,” ani Alapati.

Sa unibersidad, sumali siya sa jump rope team sa ilalim ni Coach Chen Bingjie, na tumulong sa kanyang paghasa ng teknik at disiplina.

Noong 2024, nanalo si Alapati sa isang pambansang kompetisyon, na nagbigay inspirasyon upang subukan ang Guinness World Record. “Mas mahirap ang isang minutong record dahil kailangan dito ng bilis at lakas,” paliwanag niya.

Sa araw ng kanyang record breaking attempt, dama ang tensyon sa gymnasium, pero binuhos ni Alapati ang lahat.

“Walang puwang para magkamali,” aniya. Sa huli, matagumpay niyang naabot ang record, na inialay niya sa kanyang coach at unibersidad.

Balak ni Alapati na ­maging coach upang magbigay-inspirasyon sa iba. “Kung may pangarap ka, subukan mo. Hindi mo malalaman ang iyong hangganan kung hindi mo susubukan,” payo niya.

 

GUINNESS WORLD RECORD

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with