^

Punto Mo

‘Ahas’ (Part 8)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

ISA sa mga classmate naming lalaki ay si Romano na madalas makipag-usap sa amin ni Cora. Mabait, guwapo at matangkad si Romano. Kabilang siya sa mga officers ng Citizen Army Training (CAT).

Kaming tatlo ang laging nagkukuwentuhan kapag recess at kapag may ginagawang project. Matulungin si Romano at lagi nang nagpapaalala sa amin ni Cora.

Kapag may field trip ay kaming tatlo ang magkatabi sa bus. Nagsi-share kami sa baong pagkain.

Minsan, nag-field trip kami sa isang dam sa kalapit na bayan. Kaming tatlo nina Cora at Romano ang magkakasama habang pinagmamasdan ang magandang bagsak ng tubig sa dam. Napakalinaw ng tubig.

Pagkatapos naming panoorin ang tubig, sa isang kubo sa di-kalayuan kami nagtungo para magpahinga.

“Dun muna tayo sa kubo. Masarap magpa­hinga roon,’’ sabi ni Romano.

Tinungo namin ang kubo na gawa sa kawayan at kogon ang bubong. May mesang kawayan sa gitna ng kubo.  Doon namin nilagay ang mga gamit.

Wala akong kamalay-malay na isang ahas na tulog ang gumapang sa aking bag.

Nang kukunin ko ang bag, gumapang dito ang ahas.

“Ahassss!’’ sigaw ko.

Sumaklolo si Romano at hinawakan sa buntot ang itim na ahas at saka inihagis palabas ng kubo. (Itutuloy)

 

SNAKE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with