‘Panyo’ (Part 13)
DINUKOT ko sa aking clutch bag ang puting panyo na nakalagay at maayos na nakatiklop sa isang transparent na plastic.
Ibinigay ko kay Anna Marie.
Sinuri ni Anna Marie.
“Ito nga ang napulot ko Emmanuel. Talaga bang hindi ito sa’yo?’’
“Hindi sa akin ‘yan, Anna Marie. Nang araw na iyon ay puti rin ang aking panyo kaya inakala ko na sa akin nga ang iniabot mo. Pagdating ko sa bahay, saka ko lang napagmasdan na hindi ito sa akin. Mamahalin ito, Anna Marie.”
“Pero tandang-tanda ko, nahulog ito sa bulsa mo.’’
“Paano nangyari yun?”
“Hindi ako maaring magkamali.’’
Napangiti na lang si Emmanuel pagkatapos.
“Pero alam mo ba Anna Marie na maraming dalang suwerte sa akin ang panyong ito?’’
“Talaga?’’
Ikinuwento ni Emmanuel.
(Itutuloy)
- Latest