^

Punto Mo

Lalaki sa Japan, kumikita ng pera sa pamamagitan ng pagbibigay ng papuri sa mga tao sa kalsada!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 43-anyos na lalaki sa Japan na nakilala sa tawag na “Uncle Praise”, ang nagpasimula ng kakaibang hanapbuhay—ang magbigay ng papuri sa mga tao sa kalsada kapalit ng maliit na halaga.

Dating office worker sa Tochigi, dumaan si Uncle Praise sa matinding pagsubok matapos siyang ma­lulong sa sugal. Dahil dito, nawalan siya ng trabaho, hindi nakapagbayad ng utang, at tuluyang nawalay sa kanyang pamilya.

Matapos ito, tuluyan niyang iniwan ang pagsusu­gal, at simulan ang panibagong yugto ng kanyang buhay.

Pangarap niya na maging street performer ngunit wala siyang natatanging talento tulad ng magic o pagkanta kaya naisipan niyang magbigay ng papuri bilang paraan ng paghanapbuhay.

Bitbit ang karatulang may nakasulat na, “I praise you so much!”, nagsimula siyang maglakbay sa Tokyo upang ialok ang kanyang kakaibang serbisyo.

Ayon kay Uncle Praise, ang papuri ay maaaring maka­tulong upang mabawasan ang lungkot ng iba. Sa halip na simpleng pagbati, sinisiguro niyang natatangi ang bawat papuri batay sa kanyang obserbasyon at maikling pakikipag-usap sa kanyang mga kliyente.

Kahit minsan ay tumatayo siya nang ilang oras nang walang lumalapit, mayroon na rin siyang mga regular na kliyenteng lu­malapit sa kanya tuwing kaila­ngan nila ng moral support.

Sa katunayan, dahil sa pag-viral niya sa social media, nakapunta na siya sa 31 prefecture ng Japan upang magbigay ng papuri.

Karaniwan siyang nakakapagbigay ng papuri sa mahigit 30 tao kada araw at kumikita ng humigit-kumulang 10,000 yen (P3,600).

Si Uncle Praise ay hindi lamang nagbibigay ng positibong mensahe sa iba, kundi nagiging paalala rin sa lahat kung paano ang simpleng papuri ay maaaring magdala ng saya at inspirasyon sa buhay ng tao.

PAPURI

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with