^

Punto Mo

Mga single na kababaihan sa China, nagpapa-maternity photoshoot na kahit hindi buntis!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG weird na trend ang nauuso ngayon sa China, kung saan ang mga single na kababaihan na nasa edad 20 hanggang 25 ay nagpapakuha na ng maternity photos suot ang pekeng tiyan na gawa sa silicone.

Layunin ng trend na ito na magpakuha na ng maternity photos ang mga kababaihan habang sila ay bata pa kung saan maganda, slim at “fresh” pa ang kanilang hitsura.

Para sa marami, ang maternity photos ay espesyal na alaala, kaya’t may mga kababaihang Chinese na nagpaplano nang maaga at nagpapakuha ng litrato habang sila ay sariwa pa ang kanilang itsura.

Ang trend na tinatawag na “premade maternity photos” ay nag-viral matapos itong ibahagi ng isang Gen Z influencer na si Meizi Gege mula sa Hunan.

Sa kanyang post noong nakaraang Oktobre 2024, ipinakita niya ang kanyang maternity photos na kinuha habang slim pa siya, bagay na nag-udyok sa iba na magbahagi ng sarili nilang mga pekeng maternity photos.

Ang mga pekeng tiyan na silicone ay hindi na bago sa China; una itong sumikat bilang costume na pang-prank at pangbiro mahigit isang dekada na ang nakalilipas. Ngayon, mas improved na ang mga disenyo nito—may iba’t ibang laki, kulay, at tekstura—para magmukhang tunay na tiyan ng buntis.

Ngunit kasabay ng kasikatan ng trend na ito, may mga pangamba rin ang ilang sektor. Naniniwala sila na maaaring magdulot ito ng hindi makatotohanang pamantayan sa kagandahan, tulad ng pag-aakalang kailangang manatiling slim at mukhang bata ang mga kababaihan kahit sila ay nagdadalantao

Sa kabila ng kontrobersiya, patuloy na tinatangkilik ang premade maternity photos bilang bahagi ng lumala­king kultura ng pagpapahalaga sa imahe at pagiging “social media-worthy”.

MATERNITY PHOTOSHOOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with