^

Punto Mo

Hanggang 150 taon lang tayo maaaring mabuhay?

PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

Kung papalarin ang isang tao na mabuhay nang ­napakatagal tulad ng sa kaso ng mga centenarian o supercentenarian, malamang na umabot lang siya ng hanggang 150-anyos.

Hanggang sa edad lang na ito ang malamang na limitasyon ng buhay ng tao, ayon sa isang pag-aaral ng ilang scientists. Gayunman, nilampasan ng edad na ito si Jeanne Calment, isang French na namatay noong 1997 sa edad na 122-anyos at naitalang naging pinakamatandang tao sa mundo.

Lumabas ang nabanggit na pag-aaral sa journal na Nature Communications kamakailan. Gamit ang isang iPhone app at bulto-bultong mga medical date mula sa mga volunteer sa United Kingdom at United States, ipinalalagay ng mga scientist na nakumpirma nila kung hanggang kailan maaaring mabuhay ang isang tao o hanggang anong edad siya tatagal sa mundong ito.

Maaaring makuwestiyon ang naturang pag-aaral na limitado lang sa dalawang bansa at, tulad ng ginagawa sa ibang mga siyentipikong eksperimento, dapat masuportahan ito ng iba pang mga pag-aaral para higit na mapatunayan.

Sa ginawang pag-aaral na napaulat sa New York Post, inanalisa ng Artificial Intelligence ang mga health at fitness related information at natukoy ng mga researcher na ang haba ng buhay ng tao ay halos batay sa dalawang data points: Biological age na konektado sa stress, lifestyle, at chronic disease) at resilience (kung gaano kabilis bumalik sa normal ang tao makaraang rumesponde sa isang stressor).

Gamit ang findings na ito at mga kaugnay na trend, napag-isip ng mga researcher na, sa edad na 120 hanggang 150, ang katawan ng tao ay magpapakita ng ganap na kahinaan na nagbubunga sa kawalang-kakayahan na gumaling.

Ipinahiwatig ng study author na si Timothy V. Pyrkov na, habang tumatanda tayo, nadadagdagan ang mga panahong kailangan para gumaling pagkaraang magkasakit.

Ayon naman kay Professor Andrei Gudkow ng Roswell Park Comprehensive Cancer Center na kabilang sa nagsagawa ng pag-aaral, ipinaliliwanag dito kung bakit average lang na napapaunlad ang pinakaepektibong mga panlaban at panggagamot sa mga sakit na may kaugnayan sa pagtanda pero hindi masyadong nakapagpapahaba ng buhay maliban na lamang kung merong malilikhang tunay na anti-aging therapies o gamot laban sa pagtanda.

Sa aking palagay, ipinakikita lang sa pag-aaral na ito na maikli talaga ang buhay ng tao. Tumagal ka man ng mahigit 100 taon dito sa lupa, sadyang darating ang oras na lilisan ka sa mundong ibabaw. Maliban nga lang kung makatutuklas ng paraan kung paanong mabubuhay nang habampanahon ang tao. Pero, sabi nga, lahat ng bagay ay may hangganan o katapusan.

At hindi lang naman sa mga sakit namamatay ang tao. Nariyan ang mga namamatay sa mga aksidente, kalamidad, karahasan, krimen, digmaan, at iba pa.

-oooooo-

Email: [email protected]

CENTENARIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with