^

Punto Mo

Mayang (63)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“SIGE lakad at huwag kang lilingon,’’ sabi ni Henry kay Jeff na nauuna sa paglalakad sa kalye.

“Anong sasakyan natin, Henry?’’ tanong ni Puri.

“Yung kotse ko na naka-park sa kanto!’’

“Ba’t sa malayo ka nag-park?’’ sumbat ni Puri.

“Huwag ka nang mareklamo! Sige lakad!’’ sabing padarag ni Henry na hindi inaalis ang kamay sa tagiliran. Handang bunutin ang baril.

Patuloy sa paglalakad si Jeff. Kinakabahan siya. Malapit na sila sa kanto na kinapaparadahan ng kotse ni Henry pero wala pa ang mga pulis. Kapansin-pansin na walang tao sa kalye. Tahimik na tahimik!

Hindi kaya nagkamali ang mga pulis at sa ibang lugar pumunta? Baka nagkamali si Mam Araceli sa pagsasabi sa mga pulis. Pero maliwanag ang sinabi kanina ni Mam na nasa harap na ng bahay ang mga pulis? Nasaan? Wala ni isa mang tao. Pati ang sari-sari store ay sarado. Nakapagtataka!

Nag-iisip si Jeff. Kung tumakbo na kaya siya at bahala na! Kailangang matakasan niya ang killer na si Henry!

Pero nabasa yata ni Henry ang iniisip niya.

“Huwag kang tatakbo! Babarilin kita!’’ sabi ni Henry.

“Kinakabahan ako Henry!’’ sabi ni Puri.

“Huwag kang umarte Puri, baka pati ikaw barilin ko!’’

“Ang layo kasi ng sasakyan mo!’’

“Tumigil ka!’’

“Baka may makakita sa atin!’’

“Huwag kang maingay!’’

Mga ilang metro bago sila makarating sa kotse, nagsulputan ang mga pulis sa paligid. Marami.

“Tigil!’’

(Itutuloy)

MAYANG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with