^

Punto Mo

‘Kalapati’ (Part 8)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

INASIKASO ni Kuya Bong ang lahat ng requirements ng agency na magdadala sa kanya sa Riyadh, Saudi Arabia. Walang placement fee kaya hindi namroblema si Kuya. Pambayad lang sa medical examination ang kanyang inilabas. Pasado lahat siya sa medical exam. Ininterbyu siya ng Saudi employer at pasado rin.

Makalipas lamang ang isang buwan ay na-schedule ang pag-alis niya. Dalawang taon ang kontrata ni Kuya Bong at ang suweldo ay $500. Ang halagang iyon noong ­huling bahagi ng dekada 80 ay maituturing na malaki na.

Isang araw bago umalis si Kuya ay mahigpit na ipinagbilin sa akin ang kanyang mga kalapati. Huwag daw pababayaan.

Muling ipinaalala na pagbutihan ang aming pag-aaral. Kailangang magtapos kami ni Tomas.

Nang nasa Saudi na si Kuya, tinupad niya ang pangako na padadalhan kami nang maraming pera. Maganda raw ang kompanya niya. Libre ang pagkain at tirahan.

Nang sumunod na taon ay nag-graduate na si Tomas ng Engineering. Pinilit umuwi ni Kuya. Siya ang bumili ng tiket. Gusto raw niyang makita ang pagtatapos ni Tomas. Masayang-masaya si Kuya sapagkat nakapagpatapos na siya ng kapatid. Tuwang-tuwa rin nang makita na marami na ang alaga niyang kalapati.

“Next year, tamang-tama na bakasyon ko. Di ba ga-graduate ka na Ruel?’’

“Oo Kuya.’’

Tinupad iyon ni Kuya. Umuwi siya. Masayang-masaya siya. Dalawa na kaming nakatapos.

“Puwede ka nang hindi mag-Saudi, Kuya,’’ sabi ko.

“Hindi pa. Marami pang pera sa Saudi. Basta patuloy mong alagaan ang mga kalapati.’’

“Oo Kuya.’’

Isang umaga na pinakakain ko ang mga kalapati, nagtaka ako nang may makitang puti na kalapati roon. (Itutuloy)

DOVE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with