Mayang (30)
PUMASOK si Jeff.
Nakangiti si Puri. Naka-shorts ito nang napakaikli. Naka-t-shirt at halatang walang bra.
“Maupo ka Jeff.’’
Naupo si Jeff.
“Anong gusto mong inumin—coffee, softdrinks o beer?’’
“Coffee.’’
“Sandali lang ha at ikukuha kita.’’
Napatango si Jeff. Sinundan niya ng tingin si Puri. Seksi pala ito.
Pagkaraan ay nagtaka siya na parang relaks lang si Puri. Kanina nang kausap niya sa cell phone ay pinagmamadali siya na makapunta agad dito. Pero bakit ngayon at tila relaks na. Ano kaya ang sasabihin na mahalaga?
Maya-maya, lumapit na si Puri at may dalang kape.
“Magkape ka muna, Jeff,” sabi ni Puri at inilapag ang tasa.
Dinampot ni Jeff ang tasa at humigop.
Pagkaraan ay tinanong si Puri: “Ano ang sasabihin mo sa akin, Puri?’’
“Tungkol kay Maria.’’
“Ano ang tungkol kay Mayang?’’
“Huwag mo na siyang hanapin.”
Nagulat si Jeff.
“Bakit?’’
“Meron na siyang asawa.’’
Parang nabingi si Jeff sa sinabi ni Puri.
“Huwag mo nang aksayahin ang oras mo para sa kanya.’’
(Itutuloy)
- Latest