^

Punto Mo

Event sa China na itinanghal ang iba’t ibang luto ng kalapati, nakatanggap ng Guinness World Record!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAKAPAGTALA ng world record ang isang annual­ cooking competition matapos makapagtanghal ng iba’t ibang putahe ng kalapati. Kinumpirma ng Guinness World Records na ang event na 3rd Pigeon Dishes Competition ang pinakabagong record holder ng titu­long ‘Most Varieties of Pigeon Dishes on Display’, matapos makapagluto ang mga kalahok na chefs dito ng 500 dishes na gawa sa Shiqi Squab o Young Pigeons.

Naganap ang event sa Zhongshan City sa Guangdong Province noong September 28. Dinaluhan ito ng 50 groups of chefs mula sa mga kilalang restaurant, culinary brands at food companies. Bawat grupo ay gumawa ng tig-sampung putahe gamit ang 28-day-old na kalapati.

Sa loob ng 90 minuto, nakapagluto ang mga chef ng 500 dishes at kinumpirma ng mga adjudicators ng Guinness na bawat putahe ay unique at walang naulit ni isa. Pagkatapos ng event, kanya-kanyang nag-uwi ng takeout na pagkain ang lahat ng dumalo sa event upang maiwasan ang pagsasayang ng pagkain.

vuukle comment

GUINNESS WORLD RECORD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with