^

Punto Mo

Peryahan

SUPALPAL - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

KAPIRANGGOT na kahoy at plywood lang ang capital nitong mga financiers ng sugalan sa peryahan. Di tulad ng video karera na ang capital ay P5,000 na halaga ng mother board, itong color games at drop ball ay kapirasong kahoy at plywood lang. Sinabi ng mga kosa ko na puwede ka nga’ng manghingi ng kahoy at plywood na gagawing lamesa at pinturahan ng white, yellow, red, green, blue at pink -- at presto… puwede na itong i-display sa peryahan kung saan marami ang tao. Malaki rin ang naiakyat na pera nitong color games at drop ball sa bulsa ng mga operator kaya tingnan n’yo mga kosa at naka-SUV ang mga Big 5 operators sa Calabarzon na sina Tessie Rosales, Baby Panganiban, at alyas Jessica, Emily at Egay. At itong peryahan ay naging gatasan ng kapulisan at law enforcement agencies at sa katotohanan lang ay naging source nang corruption. Di ba may kampanya si President Aquino laban sa corruption? Bakit hindi naisama itong peryahan na salot ng lipunan, lalo na sa kabataan? Hehehe! Kelan kaya magigising ang gobyerno natin sa katotohanang dulot ng peryahan?

Kung sabagay, kung ang video karera ay “one armed bandit” dahil walang nananalo rito, itong sa peryahan naman ay may nananalo. Kaya lang, kapag nanalo ka, lalapitan ka nang mga “pala” o empleado at pagsasabihan na lumayas ka na dahil marami silang pagkagastusan. Kapag hindi makikinig ang kustomer, pilit na isasara ng financiers ang kanilang negosyo para lumayas ka. At sa paglisan mo, ibabando ka sa kapwa nila peryante sa buong bansa pati na ang plate number ng sasakyan mo. May nagsasabi naman na may daya ang color games at drop ball ng mga peryante. Kasi nga ang dice na gamit nila ay may magnet kung saan nadidiktahan nila ang lalabas na kulay. Kaya ang lahat ng kulay na may malaking taya ay kuwidaw na nananalo. Pero sinabi rin ng mga kosa ko na dapat matiyaga ang mananaya kung gusto nilang manalo sa drop ball o color games. Hindi puwede ang mainitin ang ulo at tiyak wasak ang bulsa mo.” Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang yan!

Sa ngayon kasi, namumutakti ang peryahan sa Batangas. Nagyayabang si Aleng Tessie na kahit sandamakmak na pagbubulgar sa pasugalan sa peryahan n’ya, hindi kikilos si Sr. Supt. Omega Jireh Fidel, ang hepe ng Batangas PNP. Ayon kay Aleng Tessie, isang tawag lang niya sa kumareng si Gov. Vilma Santos, tiyak lulundag ang puwetan ni Col. Fidel kapag ginalaw siya. Hindi rin naaalarma si Aleng Tessie sa mga birada ng mga diyarista dahil wala silang karapatang mang-raid kundi ang pulis lang.

Hehehe! May katwiran si Aleng Tessie dito ah, di ba mga kosa?

Sa Cavite naman, nagsara ang peryahan nina Emily at Egay dahil sa gilid ng kalye ang puwesto nila. Subalit ang puwesto ni Jessica sa Tanza at ang mga tago na puwesto piho ni Tessie sa loob ng palengke ng Silang ay bukas na bukas. At noong Lunes naman ay nagbukas ang puwesto pihong peryahan si alyas Jayson, ang bata ni Baby Panganiban sa GMA. Sigurado na naman ang P80,000 goodwill ng mag-among SPO4 Marlon Garcia at Landong Bulag, di ba Cavite police director Sr. Supt. Joselito Esquivel Sir? Abangan!

ALENG TESSIE

BABY PANGANIBAN

BATANGAS

EGAY

HEHEHE

JESSICA

PERYAHAN

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with