Seryosong Pag-Unawa Tungkol sa Utot
1. Ang utot ay gas na naipon mula sa: hanging nalunok (nangyayari kapag ninenerbiyos), chemical reaction sa bituka, at bacteria na namamahay sa bituka.
2. Ang utot ay binubuo ng 59 percent nitrogen, 21 percent hydrogen, 9 percent carbon dioxide, 7 percent methane and 4 percent oxygen. One percent lang ang hydrogen sulfide gas at mercaptans na nagtataglay ng sulphur. Sulphur ang nagpapabaho ng utot.
3. May tunog ng utot ay nagmumula sa vibration na nalilikha ng sphincter muscle na matatagpuan sa bungad ng puwet.
4. Ang lakas o hina ng tunog ng utot ay depende sa pressure na tumutulak sa gas palabas sa puwet. Depende rin ito sa higpit o luwag ng sphincter muscle.
5. Mas mayaman sa sulphur ang kinain mo, mas mabaho ito. Halimbawa ng pagkaing mayaman sa sulphur: beans, cabbage, cheese, softdrinks, at eggs.
6. Hanggang 14 na beses umuutot ang isang tao per day.
7. Mas tahimik ang utot, mas mabaho ito at mas mainit kapag lumabas sa puwet. Silent but deadly! Dahil kapag maraming sulphur, ang namumuong gas ay nagdudulot ng maliliit na bubbles. Siyempre ang maliit na bubbles ay hindi maingay kapag pumutok.
8. Base sa scientific study, mas malakas umutot ang lalaki pero mas mabaho ang sa babae.
9. Hindi pa napapatunayan ng mga doktor na masama sa kalusugan ang pagpigil ng utot.
10. Sa Indian tribe na Yanomami sa South America, ang pag-utot ay signal ng pagbati. Sa sinaunang panahon ng Rome, idineklara ni Emperor Claudius na ang pag-utot sa gitna ng salo-salo ay katanggap-tanggap. Pinapaniwalaan kasi ng emperor na makakasama sa kalusugan ang pagpigil sa utot.
- Latest
- Trending