Lampong (438)

NATIGILAN si Dick sa pagpigil sa kanya ni Jinky na inumin ang dugo ng cobra.

“Bakit? Di ba na-research mo na mahusay ang dugo ng cobra na pampaantig at gamot sa lungayngay na batutoy?”

“Delikado, Dick. Nabasa ko ngayon lang na isang lalaki sa India ang namatay makaraang uminom ng dugo ng cobra.’’

“Ano?”

“Oo. Yung Indiano ay may problema rin sa batutoy niya. Sa kagustuhang mapasigla si Batutoy, nanghuli ng cobra at kinuha ang dugo at ininom. Sampung minuto matapos inumin ang dugo, nangisay ang lalaki. Isinugod daw ng asawa sa ospital. Pero hindi na uma­bot sa ospital at sa daan pa lamang ay namatay na. Nang awtopsiyahin, nalaman na nalason ang lalaki sa dugo ng cobra.’’

“Ibig mong sabihin may kamandag o venom ang dugo ng cobra?”

“Hindi naman ganoon ang sabi sa report kundi nalason ang lalaki kaya namatay.’’

Napailing-iling si Dick.

“Hindi sa kamandag kung ganoon.’’

“Kasi baka raw nakakain ang cobra ng daga na nilason. Yung lason na nasa daga ay humalo sa dugo ng cobra na ininom naman ng lalaki.’’

Nag-isip si Dick.

“Hindi nga sa kamandag kung ganoon. E di puwede ko pa rin itong inumin.’’

“Huwag, delikado Dick! Ayaw kong mamatay ka! Kahit na hindi tumigas si Batutoy, okey lang sa akin. Basta huwag ka lang mamatay.’’

Naantig si Dick. Ibinaba sa mesa ang baso na may dugo.

“Kahit hindi lumaban si Batutoy, oks lang?”

“Oo, Dick.”

“Anong gagawin ko sa dugo ng cobra?”

“Itapon mo na. Huwag mong iinumin ’yan.’’

Dinampot ni Dick ang baso na may dugo at nagtungo sa banyo. Ibinuhos sa inidoro ang dugo. Nag­kulay dugo ang inidoro. Saka pinindot niya ang flush. Bumulwak ang tubig. Nawala ang dugo. Muling pinindot ang flush. Bumulwak uli. Malinis na malinis na ang inidoro. Wala nang bakas ng dugo.

Bumalik siya sa bedroom nila ni Jinky.

Nakangiti si Jinky nang makita niya.

(Itutuloy)

 

Show comments