^

Punto Mo

‘Bank agent kuno sa mall’

BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

NAGREKLAMO sa BITAG ang isang nadenggoy ng putok sa buhong bank agent kuno.

Sila ’yung  mga estrangherong nasa mga gilid, labas at pasilyo ng mga mall na nag-aalok ng salary loan! Nagpapakilala silang representante umano ng mga banko! Target nila ang mga private employee na alam nilang may pera at may kakayahang magbigay ng kaukulang halaga, depende sa kanilang mapagkakasunduan.

Estilo ng kolokoy na magboladas ng kung anu-anong positibong bagay hinggil sa pino-prosesong salary loan. Para maging kapani-paniwala, magbabanggit siya ng mga pangalan at sikat na personalidad na nauna na umano niyang naging kliyente.

Lingid sa kaalaman ng biktima, pinag-aaralan at kinikilatis na siya ng nagpapanggap na bank agent tulad halimbawa ng pagtatanong sa kabuuang suweldo nito sa isang buwan!

Suweldo kasi ang kanyang batayan sa pag-aalok ng salary loan. At  para mas mapadali ang proseso, magpi-presenta na siya na lang ang maglalakad ng mga papeles at lahat ng dokumentong kailangan sa banko kapalit ng processing o mobilization fee.

Sa kalaunan, magugulat na lang ang biktima dahil nabaon na siya sa utang at hinahabol na ng mga bankong pinagpasahan ng aplikasyon!

Siya na ang naloko ng buhong na bank agent, siya pa ngayon ang hinahabol ng banko! Ang nagpapanggap na ahente, biglang nawala!

Patuloy na inuulit ng BITAG sa publiko, lumapit at pumunta lamang sa mga banko na lehitimong nag-aalok ng mga salary loan. Huwag agad magtitiwala sa mga lumalapit sa inyo upang hindi kayo mabiktima.

Manood at makinig ng Bitag Live! araw-araw tuwing 10:00-11:00 ng umaga sa AKSYON TV Channel 41 at Radyo 5 o via live streaming  sa www.bitagtheoriginal.com/bitagsaradyo. Sa mga bagong episode ng Pinoy-US Cops-Ride Along at BITAG, mag-log on sa www.bitagtheoriginal.com.

BITAG LIVE

COPS-RIDE ALONG

ESTILO

HUWAG

LINGID

MANOOD

NAGPAPAKILALA

PATULOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with