^

Punto Mo

Tagumpay si Kristel

RESPONDE - Gus Abelgas - Pilipino Star Ngayon

Kahapon tuluyan nang inalis ng UP Manila ang ipinatutupad nilang  ‘no late payment policy’.

Ito nga ay matapos na umani ng batikos ang pamunuan ng unibersidad  na sinabayan ng sunud-sunod na protesta ng mga mag-aaral kaugnay naman sa isinagawang pagpapakamatay ng kanilang freshman student na si Kristel Tejada.

Humaba na nang humaba ang isyu tungkol sa pagpapakamatay ni Kristel na sinasabing ang pangunahing dahilan ay matapos papirmahin sa leave of absence ng paaralan makaraang hindi makabayad sa matrikula.

Hindi lang mga mag-aaral ang kumondena sa umano’y maituturing na mahigpit na polisiya ng paaralan kundi maging ang ilang faculty ay nagpahayag na rin ng kanilang pagkadismaya.

Humantong pa nga sa mga panawagan na pinagbibitiw sa pwesto ang Chancelllor ng UP Manila na si Manuel Agulto at Vice-Chancellor na si Marie Josephine De Luna .

Ayon naman sa mga estudyante , base sa ipinalabas na memo ng unibersidad sa dean at registrar­ ang sinumang estudyante na hindi makapagbabayad ng tuition fee hanggang Agosto 12 ng school year ay hindi ikokonsiderang enrolled.

Ito pala ang kauna-unahang pagkakataon na nagpalabas ng ganitong memo ang naturang uniberisdad, at kung hindi na kinokonsiderang enrolled , tatanggalin ka siyempre sa master list at papayuhang mag-apply para sa leave of absence.

Hindi nga ba’t sa pagputok pa lamang ng balitang pagpapakamatay ni Kristel ang mga ito na umano ang mga dahilan kung bakit  nagawa  umano ni Kristel na wakasan ang kanyang buhay.

May pagka-rigid umano ang naturang kautusan  at hindi nagbigay ng anumang konsiderasyon.

Bukod pa pala rito, ilang faculty na rin ang pumuna sa patakaran ng UP Manila na hindi pagtanggap ng installment na bayad sa matrikula  na lubhang mabigat talaga para agad na makalikom ng halaga lalo na sa mga mahihirap na pamilya.

Ang katwiran lang dito ng pamunuan base pa sa ilang miyem­bro ng faculty ay ma-trabaho raw para sa registrar.

Aba’y dinaig pa pala nito ang ilang pribadong unibersidad at kolehiyo na kahit papaano ay may mga paraan para hindi mabigatan ang kanilang mga mag-aaral sa pagbabayad.

Naturingan pa ngang sila ay state university.

Magkaganun man, nangyari na rin ang nagyari.  Wala na si Kristel para maging benepisyo sa mga binagong mga patakaran.

Pero ika nga ng marami, wala man si Kristel siya naman ang naging daan upang marami sa katulad niya na hirap sa pag-aaral ay ngayon ay kahit papaano ay maluluwagan dahil sa mga inalis at posibleng baguhin pang mga polisiya sa mga state university at colleges.

Pero mukhang kahit umaaksyon na ang pamunuan ng unibersidad, wala pang balak na tumigil sa kanilang protesta ang mga mag-aaral na may kinalaman nga sa umano’y mahihigpit na patakaran at mataas na singil sa tuition fee.

Talagang natupad ang  wish ni Kristel na siya ay ma-miss.

Dahil ang dami talagang nakaalala at makakaalala pa sa kanya.

 

KRISTEL

KRISTEL TEJADA

MANUEL AGULTO

MARIE JOSEPHINE DE LUNA

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with