^

Punto Mo

Duwende (4)

DIKLAP - Ms. Anne - Pilipino Star Ngayon

ISANG araw ng Pasko ay namasko sa aming bahay si Cholo kaya nagkaroon ako ng pagkakataong interbyuhin ito tungkol sa kontrobersiyal na pagkidnap sa kanya ng mga duwende.

Matanda na raw ang hari at si Cholo ang napipisil na humalili sa trono. Pulos babae ang anak ng hari at walang magmamana sa trono. Tinanong ko kung bakit siya ang pinili ng hari ? Isang simpleng : “Mabait daw po ako.” Kahit na tumanggi siya na maging hari, pinilit pa rin siya at pinangakuan na bibigyan ng kayamanan ang kanyang ama at ina. Nang tumanggi siya sa pangalawang pagkakataon ay hindi na nagpumilit ang hari pero nalungkot daw ito.

Inalok daw siya ng babae na kumain  pero tumanggi siya dahil nakakatakot ang hitsura ng pagkain—mukhang kanin na kulay itim. Tapos bigla niyang narinig ang boses ng kanyang ina kaya nakiusap siya sa babae na ituro ang daan pauwi sa kanilang bahay. Habang naglalakad ay napansin niyang nangingintab ang mga bato sa daan. Sabi ko ay bakit hindi siya namulot ng mga batong sinasabi niya. “Bilin po ni Nanay, huwag akong kumuha ng hindi sa akin. ” Napangiti ako. Totoo nga ang opinyon ng haring duwende na mabait si Cholo.

Ang sabi ng isang kapitbahay na faith healer, mabuti na lang daw at hindi kumain si Cholo ng kahit anong pagkaing inialok sa kanya. Kung nagkataon, makakalimutan niya ang lahat, mananatili siya sa mundo ng mga duwende at hindi na siya makakabalik sa kanyang pamilya kahit kailan.

Pagkalipas ng ilang taon, ako ay kinuhang magturo sa isang sangay ng gobyerno (kahawig ng Tesda) na nag-aalok ng maiikling kurso sa mababang matrikula. Ang itinuro ko ay Meat Processing. Ito ay tungkol sa paggawa ng tocino, corned beef, ham, etc. Dito ko naging  estudyante ang isang beki na may psychic ability na ipinagkaloob ng kaibigan niyang duwende. Ang “invisible” na duwende ay laging kasama niya, minsan, nakasakay ito sa kanyang balikat. (Itutuloy)

BILIN

DITO

HABANG

INALOK

ISANG

ITUTULOY

MEAT PROCESSING

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with