^

Probinsiya

Lolo patay, 45,844 katao apektado sa flashflood sa Eastern Samar

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isa katao ang iniulat na nasawi habang nasa 28,724 pamilya o kabuuang 45,844 katao ang naapektuhan sa malawakang flashflood sa isang lungsod at walong munisipalidad sa Eastern Samar sanhi ng malalakas na pag-ulan na dala ng shear line, ayon sa ulat kahapon.

Sa report ng Eastern Samar Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO), kinilala ang biktima si Alberto Campo, 66, ng Brgy. Burak, Llorente na namatay sa pagkalunod matapos na tumaob ang pump boat na sinasakyan nito dulot ng malakas na alon habang pauwi na sa kanilang tahanan.

Bandang alas-9:52 ng umaga nitong Linggo nang marekober ang bangkay ng lolo sa Brgy. Cantomco ng nasabing bayan.

Nabatid na ang flashflood ay sanhi ng malalakas na pag-ulan sa lalawigan na epekto ng shear line.

Samantalang kabilang naman sa mga lugar na apektado ng flashfloods ay ang Borongan City na kapitolyo ng lalawigan gayundin ang mga bayan ng San Policarpio, Maslog, Sulat, Taft, Can-avid, Maydolong, Dolores at San Julian. 

Bunga ng mataas na tubig-baha, hindi madaanan sa lahat ng uri ng behikulo ang bahagi ng Wrigth-Taft Road sa lungsod ng Borongan ng lalawigang ito. 

Inisyal na naitala ang P3.3 milyon na halaga ang mga napinsala sa agrikultura bunga ng masamang lagay ng panahon.

Namahagi na rin ang mga lokal na pamahalaan ng relief goods sa mga residenteng naapektuhan ng flashflood.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with