Pulitika, nasa likod ng ambush sa Bulacan
MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Pulitika ang tinitingnang motibo ng mga otoridad sa pananambang sa Bulacan, kung saan tatlo ang namatay sa Brgy. Capihan, San Rafael, Bulacan.
Si Bryan Villaflor, 27, binata ng Brgy. Poblacion, San Ildefonso, Bulacan, at Isa sa napatay ay sinasabing Information Technology specialist at social media operator ni kandidatong Congressman Vic Silverio ng ikatlong distritong ng Bulacan at anak ni kasalukuyang Kongresista Lorna Silverio.
Napatay din sa nasabing pananambang si Jayvie Mariano, driver/bodyguard ni Vic Silverio at ang girlfriend ni Villaflor na nakilala lamang sa pangalan na Jam.
Sakay ng itim na Ford Everest Titanium ang tatlong biktima at magsa-shopping lamang sana sa isang mall sa Baliwag nang tambangan ng mga ‘di pa kilalang suspek na sakay din ng itim na SUV dakong alas-3:15 kamakalawa ng hapon. Armado ng M-16 rifle ang mga suspek nang bumaba sa kanilang sasakyan at walang habas na pinaputukan ang sasakyan ng mga biktima.
Mabilis na tumakas ang mga suspek matapos na masiguro na patay na ang mga sakay ng sasakyan
Ayon pa sa report, mahigit sa 50 tama ng bala ang tinamo ng sasakyan ng mga biktima.
- Latest