^

Probinsiya

2 sugatan sa pamamaril sa sari-sari store

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawa katao ang nasugatan makaraang pagbabarilin sa harapan ng isang sari-sari store sa Balasan, Iloilo kamakalawa ng gabi. 

Sa report ni P/Capt. Renzo Martinez, hepe ng Balasan MPS ang mga biktima ay kinilala sa mga palayaw na Jay-Jay at Kizza; kapwa 23 taong gulang. 

Batay sa imbestigasyon, ang dalawang biktima ay kasalukuyang umiinom sa mesa ng isang sari-sari store sa Brgy. Poblacion Sur nang biglang dumating ang dalawang kahina-hinalang lalaki na ang isa ay armado ng baril habang ang isa pa ay may hawak na patalim. 

Sa matinding takot, nagtatakbo ang dalawa pero bigla silang pinagbabaril ng isa sa mga suspek na kanilang ikinasugat nang mahagip ng bala.

Ang insidente ay lumikha ng matinding sindak sa mga residente na nagsipagkubli sa matinding takot na mabaril din ng mga suspect.

CRIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->