2 lalaki na nasa labas ng bahay, itinumba
MANILA, Philippines — Dalawang lalaki ang nasawi sa magkahiwalay na pamamaril sa dalawang barangay sa Tiaong, Quezon, kamakalawa.
Base sa ulat ng Tiaong-PNP, ang unang insidente ay nangyari sa Barangay San Jose, alas-8:30 ng gabi na kung saan ay kumakain sa labas ng kanyang bahay ang biktimang si alyas Elmo nang lapitan ng isang hindi nakikilalang lalaki saka pinagbabaril sa iba’t ibang parte ng katawan na agad nitong ikinamatay.
Ang ikalawang insidente ay naganap, alas-9:40 sa Brgy.Cabatang na kung saan habang nakaupo sa harapan ng bahay ng kanyang kaibigan si alyas John nang bistayin ito ng bala sa ibat ibang parte ng katawan ng hindi nakikilalang lalaki.
Ayon sa pulisya, ang biktima ay kalalaya lamang sa kasong may kaugnayan sa iligal na droga.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga operatiba ng Tiaong PNP at pinaigting na ang pagpapatupad ng checkpoint.
- Latest