Mag-lover arestado sa higit P1.8 milyong droga

MANILA, Philippines — Arestado ang magdyowa na umano ay dealer ng mga Ecstasy at mga high grade marijuana sa inilatag na buy-bust ng pulisya kamakalawa ng gabi sa isang subdivision ng Brgy. Buhay na Tubig, Imus City, Cavite.

Ang magdyowa ay kinilala sa mga alyas na Kent Gi, 26-anyos, freelance graphic designer at alyas Kristine 21-anyos, kapwa residente ng Hacienda Loyola Subdivision, Brgy. Buhay na Tubig, Imus, Cavite.

Sa ulat, dakong alas-9:40 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust ­operation ang mga otoridad sa bahay ng mga suspek na ilang araw na isinailalim sa surveillance at narekober ang nasa mahigit P1.8 mil­yon na ecstasy at kush.

Show comments