Villar, kasama ang Alyansa, raratsada sa Cavite
MANILA, Philippines — Sasalubungin ngayong araw ng libu-libong Caviteño ang Team ng Alyansa sa Bagong Pilipinas sa bagong Capitolyo ng lalawigan sa lungsod ng Trece. Pangungunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pag-endorso sa kaniyang 12 kaalyado sa pangunguna ni Camille Villar.
Ayon kay Villar na ang kaniyang plataporma sa pang-medikal, edukasyon, trabaho, o para sa mental health—lahat kakayanin.
“Sama-sama po tayo sa Bagong Bukas, dala ang sipag, tiyaga, at serbisyong Tatak Villar,” ayon kay Villar.
Anya, ibibigay niya ang buong suporta sa mga kabataan, libreng access sa e-library, school supplies, tablet, scholarships, at sports leagues—dahil ang kinabukasan nila ay kinabukasan nating lahat.
- Latest