Suspek sa rape-slay sa 13-anyos sa Quezon province, timbog

Ayon kay PMaj. Hobert Sarmiento, chief of police ng Unisan, Que­zon, umamin ang suspek sa krimen at nagawa niya ito umano dahil sa kanyang kalasingan. 
Philstar.com / Jovannie Lambayan, file

UNISAN, Quezon, Philippines — Nadakip na ng pulisya ang 27-anyos na lalaking suspek sa pagpatay at hinihinalang gumahasa sa 13-anyos na batang babae sa Brgy. Ibabang Bulo, ng bayang ito ­kamakalawa. 

Ayon kay PMaj. Hobert Sarmiento, chief of police ng Unisan, Que­zon, umamin ang suspek sa krimen at nagawa niya ito umano dahil sa kanyang kalasingan. 

Lumalabas na kalalaya lamang ng suspek sa bilangguan makaraang makulong dahil sa kasong “act of lasciviousness”.

Balik-kulungan ito at nahaharap sa kasong rape with homicide.

Magugunita na natagpuan ang walang buhay na katawan ng biktimang si alyas  “Grace” sa kakahuyan ng Barangay Bulo, Unisan, Quezon noong linggo. 

Base sa ulat ng ­Quezon Police Provincial Office, ang nasabing biktima ay inutusan lang ng kaniyang ina na iremit ang ­koleksyon sa STL sa Brgy. Ibabang Panaon sa kabilang barangay ng nasabing bayan.

Gayunman, nagtataka ang ina ng biktima kung bakit gabi na ay hindi pa umuuwi ang kaniyang anak.

Dahil dito, nagpa­tulong ang ginang sa kanilang mga kapitbahay kasama ang mga barangay tanod na ha­napin ang anak at dito na nadiskubre ang bangkay ng biktima sa kagubatan ng Brgy. Ibabang Bulo.

Show comments