^

Probinsiya

Babaeng STL collector ginahasa, pinatay!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Babaeng STL collector ginahasa, pinatay!
Sa report ng ­Quezon Police, ang nasabing biktima na itinago sa pangalang Grace ay inutusan ng kaniyang ina na-iremit ang ­koleksyon sa STL sa Brgy. Ibabang Panaon sa kabilang barangay ng nasabing bayan.
STAR/File

Bangkay itinapon sa kakahuyan

MANILA, Philippines — Isang babaeng kolek­tor ng Small Town Lottery (STL) na walang saplot pang-ibaba na hinihinalang ginahasa ang natagpuang patay sa isang kakahuyan sa Brgy. Ibabang Bulo, Unisan, Quezon nitong Linggo ng gabi.

Sa report ng ­Quezon Police, ang nasabing biktima na itinago sa pangalang Grace ay inutusan ng kaniyang ina na-iremit ang ­koleksyon sa STL sa Brgy. Ibabang Panaon sa kabilang barangay ng nasabing bayan.

Gayunman, nagtataka ang ina ng biktima kung bakit gabi na ay hindi pa umuuwi ang kaniyang anak.

Dahil dito, nagpa­tulong ang ginang sa kanilang mga kapitbahay kasama ang mga barangay tanod na ha­napin ang anak at dito na nadiskubre ang bangkay ng biktima sa kagubatan ng Brgy. Ibabang Bulo.

Hinihinala ng mga awtoridad na pinagsamantalahan ang biktima makaraang walang saplot pang-ibaba nang madiskubre ang katawan nito.

Isinasailalim pa sa masusing imbestigasyon ng mga awtoridad ang kasong ito upang matukoy ang salarin.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->