^

Probinsiya

Teller sa sabungan na ginahasa, namatay na

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
Teller sa sabungan na ginahasa, namatay na
Batangas
Google Maps

MANILA, Philippines — Matapos ang halos dalawang buwang pagka-comatose sa Intensive Care Unit ay tuluyan nang namatay ang isang cockpit teller sa Batangas na ginahasa ng umanoy police vlogger na tinaguriang “Sayang ang Tattoo”.

Kahapon ay kinumpirma ni Brig.Gen. Paul Kenneth Lucas, Calabarzon police director, ang pagkamatay ni Emielle Hernandez, cockpit teller ng Mr. Nice Guy Cockpit Arena sa Batangas,na naging opisyal din ng National Police Commission.

Kinumpirma rin ni Lucas na hindi naglabas ng mga dokumento ang ospital para sa dahilan ng pagkamatay ni Hernandez.

Hinihintay pa ang resulta ng death certificate ng UST para matukoy kung anong kasong kriminal ang isasampa.

Samantala, ang police vlogger na si Staff Master Sergeat Timonthy Joseph Teejay Virtucio ay nasa kustodiya pa rin ng Calabarzon police sa ilalim ng Regional Personnel Holding and Accounting Unit at isinasagawa na ang kanyang administrative case.

Matatandaan na si Hernandez kasama ang kanyang asawa at abogado, ay nagtungo sa San Jose police station noong Enero 9 upang magsampa ng reklamong panggagahasa laban kay Virtucio.

Ayon sa pahayag ng mister ng biktima dinala niya ang kanyang misis sa iba’t ibang ospital sa Lemery mula noong Disyembre 26 dahil sa hindi magandang pakiramdam nito.

Gayunpaman, nang makausap niya ang isang psychiatrist sa Mary Mediarix Hospital sa Lipa City, ibinunyag niya na umano nirape siya ng isang pulis.   Sinabi niya na pinainom siya ng sex drugs bago siya ginahasa sa isang palayan ng suspek sa Bgy. Banay-Banay, Lipa City.

BATANGAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->