2 NPA leader utas sa sagupaan sa Bukidnon

MANILA, Philippines — Napatay sa sagupaan ang dalawang mataas na opisyal ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa Barangay Iba, Cabanglasan, Bukidnon.

Kinilala ni Maj. Gen. Michele B. Anayron Jr. ng 4th Infantry Division ang mga nasawi bilang sina Alab, isang secretary ng North Central Mindanao Regional Committee, at Ejel, isang supply officer.

Nasamsam sa operasyon ang isang M653 rifle, dalawang M16 Armalite rifles, isang Bushmaster AR15, bala, at iba pang gamit pandigma. Nagkaroon ng bakbakan matapos rumesponde ang 1st Special Forces Battalion sa ulat ng mga residente tungkol sa presensya ng mga rebelde.

Walang nasaktan sa panig ng gobyerno, at pa­tuloy ang pagtugis sa mga tumakas na NPA. Tiniyak ni Anayron ang patuloy na pagsisikap ng militar na wakasan ang banta ng rebelyon sa tulong ng mga sibilyan at iba pang katuwang sa Task Force to End Local Communist Armed Conflict.

Show comments