Laban para sa West Philippine Sea, mahalagang election issue para sa Pilipino – Tol

Ito ang naging pahayag ni Tolentino kaugnay ng bagong survey na nagpapakita ng malaking suporta ng mga botante para sa mga kandidatong nani­nindigan sa karapatan ng Pilipinas sa WPS.
STAR / Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Mahalagang election issue para sa mara­ming Pilipino ang laban ng bansa para sa West Philippine Sea (WPS), ayon kay reelectionist Senator Francis ‘TOL’ Tolentino.

Ito ang naging pahayag ni Tolentino kaugnay ng bagong survey na nagpapakita ng malaking suporta ng mga botante para sa mga kandidatong nani­nindigan sa karapatan ng Pilipinas sa WPS.

“Ipinapakita sa survey na nagkakaisa ang mga Pilipino na ang WPS ay isang major election issue, at ang mga kandidato ay susukatin ayon sa kanilang posisyon dito,” diin ni Tolentino.

Tinutukoy ni Tolentino ang kalalabas pa lang na SWS survey na suportado ng 78 pors­yento ng mga Pilipino ang mga kandidatong nakikipaglaban sa karapatan ng bansa sa WPS – sa harap ng lumalalang agresyon ng China.

“Dahil pabor sa pro-WPS candidates ang walo sa bawat sampung Pilipino, pinapahiwatig nito na core issue ang WPS, bukod sa ‘gut issues’ gaya ng presyo, kita, at trabaho,” dagdag nya.

Si Tolentino ang punong may-akda ng Philippine Maritime Zones Act na naggigiit sa teritor­yo at karapatang pang-ekonomiya ng bansa sa WPS.

Show comments