Pag-atake ng NPA nasilat, imbakan ng armas nadiskubre sa Camarines Sur
LABO, Camarines Norte, Philippines — Nasilat ng militar at pulisya ang posibleng plang pag-atake ng New People’s Army (NPA) makaraang madiksubre ang ilang matataas na kalibre ng baril, bomba at mga materyal sa paggawa ng pampasabog mula sa kanilang imbakan ng mga armas sa Sitio Sugsugin, Brgy. Baay, Daet, Camarines Norte kamakalawa ng umaga.
Apat na piraso ng M16 A1 rifle; tig-isang M14 rifle at carbine tifle; limang improvised explosive device (EID); pitong granada; apat na rolyo ng detonating cord; limampung blasting caps; siyam na improvised switch; at iba pang gamit sa pagawa ng bomba ang nakuha.
Sa ulat, dakong alas-11:30 ng umaga kasama ang isang dating komunista na kasapi ng Kilusan Larangan Guerilla 1, South Regional Committee 1 ng NPA Bicol Regional Party Committee na sumuko noong Enero 8 ay pinuntahan ng mga tauhan ng Battalion Company, 201st Brigade, 7th Infantry Battalion, at 21st Military Intelligence Company ng Philippine Army; Regional Mobile Force Battalion 5, PNP Special Action Force, at Labo Municipal Police Station at itinuro ang isang kubling lugar na ginawang imbakan ng mga armas ng New Peoples Army. Nang marating ang lugar ay tumambad sa tropa ng gobyerno ang matataas na uri ng baril, granada at iba’t ibang uri pampasabog.
Pinuri ni PRO5 regional director Brig. Gen. Andre Perez Dizon ang kanyang mga tauhan at mga sundalo ng AFP dahil sa matagumpay na pagkakabawi sa imbakan ng mga armas ng NPA.
Samantala, sinabi ni Major General Cerilo Balaoro Jr, commander ng 2ID ng Army na sumasaklaw sa Timog Katagalugan at ilang bahagi ng Bicol, na ang pagbawi ng maraming armas ay hindi lamang nagpapahina sa kakayahan ng teroristang grupo na maghasik ng karahasan sa mga komunidad.
“Nakakabahala ang pagkatuklas ng mga anti-personnel mine na ito. Ang mga improvised na pampasabog na ito na ginagamit ng NPA bilang mga armas, ay ipinagbabawal sa ilalim ng United Nations Anti-Personnel Mine Ban Convention,” sabi ni Balaoro.
- Latest