Pump boat lumubog sa Tawi-Tawi: 2 patay
COTABATO CITY, Philippines — Dalawang project staff ng Bangsamoro government ang nasawi sa pagkalunod ng lumubog ang sinasakyang pump boat sa karagatan ng Tawi-Tawi habang patungo sana sa isang outreach mission sa isang island town sa probinsya nitong umaga ng Sabado.
Sa ulat nitong tanghali ng Sabado ni Brig. Gen. Romeo Macapaz, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, ang mga nasawi sa pagkalunod na sina Muamar Nonongan at Acram Sairila ay mga kawani ng BARMM Project Tabang na sakop ng tanggapan ni Regional Chief Minister Ahod Ebrahim.
Patungo sana sa Tandubas island municipality ang pangkat nila Nonongan at Sairila para sa isang humanitarian activity nang biglang lumakas ang mga alon na nagsanhi ng pagtagilid ng kanilang sinasakyang pumpboat kaya sila tumilapon sa dagat.
Patay na ang dalawa nang maiahon ng mga rescuers mula sa pagkalunod habang nakaligtas ang mga kasamahan kasunod ng paglubog ng bangka.
Ayon sa mga opisyal ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), sina Nonongan at Sairila ay kilalang masipag na mga kawani ng BARMM Project Tabang.
- Latest