Mga expired na produkto na nire-repack para ibenta, nabisto sa Laguna

MANILA, Philippines — Nasabat ng mga otoridad sa isang establisimyento ang mga expired na produkto na nire-repack umano para ibenta muli sa mas murang halaga sa Biñan, Laguna.

Sa ulat, sinabing kabilang sa nakitang mga produkto ay mga gatas, pasta, chocolate, inumin at mga sabon.

Ibinabagsak umano ng mga truck na mula sa iba’t ibang pamilihan ang mga expired na produkto sa naturang establisim­yento.

Ayon sa pulisya, wala ang may-ari ng establisimyento nang gawin ang pagsalakay pero ipatatawag siya para malaman kung sino ang dapat managot.

Show comments