^

Probinsiya

Criminology instructor kritikal sa ambush

Joy Cantos, John Unson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang college school teacher ang agaw-buhay ngayon sa pagamutan matapos barilin nang paulit-ulit ng mga motoristang salarin sa Barangay Sengal Sa Lamitan City, Basilan nitong gabi ng Sabado.

Ang biktimang si Johnus Flores Lim, nagtamo ng mga maselang tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan ay criminology instructor ng Furigay College Incorporated sa Lamitan City sa Basilan, isa sa limang probinsyang sakop ng Bangsamoro region.

Sa pahayag nitong Linggo ni Lt. Col. Elmer Solon, Lamitan City police chief, nakaupo si Lim sa kanyang motorsiklo na nakahimpil sa gilid ng kalye sa Sitio Baroy sa Brgy. Sengal nang biglang hintuan at lapitan ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo, at agad pinaputukan ng ilang beses saka mabilis na tumakas.

Ang malubhang pagkasugat ni Lim sa natu­rang insidente ay naganap eksaktong tatlong araw palang mula nang napatay sa ambush sa Brgy. Malinis, Lamitan City ang negosyanteng si Abduraza Saidde Madiza.

Sakay si Madiza ng kanyang motorsiklo, pauwi sa kanilang tahanan sa Barangay Limook sa naturang lungsod nang tambangan ng mga armadong nakaabang sa kanya na mabilis na nakatakas gamit ang kanilang mga motorsiklo.

LAMITAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->