^

Probinsiya

Kelot pinagbabaril, itinapon sa highway

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang lalaki ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng ‘di pa kilalang salarin at saka itinapon sa gilid ng highway sa Teresa, Rizal kamakalawa.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng biktima na inilarawan lamang na may taas na hanggang 5’5”, payat, maputi, may tattoo ng “Sputnik” sa kanyang balakang at nakasuot ng printed na itim na t-shirt at itim na basketball short.

Mabilis namang nakatakas sa pamamaril na tinutugis na ng pulisya.

Batay sa ulat ng Teresa Municipal Police, alas- 6:45 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng lalaki sa gilid ng highway sa Sitio Buhangin, Barangay Dalig, sa Teresa.

Ayon sa pulisya, ­ilang concerned citizen ang tumawag sa kanilang tanggapan at inireport ang pagkakadiskubre sa bangkay ng biktima.

Nang siyasatin ang bangkay ng biktima, nadiskubreng may mga tama ito ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

TERESA MUNICIPAL POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->