^

Probinsiya

17-anyos na dalaga itinumba

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi nakilalang salarin ang isang 17-anyos na dalaga habang naglalakad pauwi sa kanilang bahay,kamakalawa sa Brgy.San Agustin, Trece Martirez City, Cavite.

Kinilalang ang nasawing biktima na si Jery May Ramos, residente ng nasabing lugar.

Mabilis na tumakas ang suspek nang duguang bumulagta ang biktima. bitbit ang ginamit na armas.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-2:30 ng madaling araw habang naglalakad pauwi ang biktima galing sa tindahan nang lapitan ng isang lalaki at walang sabi sabing pinagbabaril .

Inaalam pa ng pulisya ang posibleng motibo sa naganap na krimen at sa pagkakakilanlan ng suspek.

CAVITE

TRECE MARTIREZ CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with