^

Probinsiya

Van sumalpok sa trak: 14 sugatan

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

GUMACA, Quezon, Philippines — Nasugatan ang 14 na sakay ng isang van makaraang makaidlip ang kanilang driver hanggang tuluyang bumang­ga sa trak na nakahimpil sa gilid ng kalye na sakop ng Barangay Ginebra Inaalagaan sa bayang ito, kamakalawa ng umaga.

Ang mga biktima na pawang nagtamo ng mga sugat sa ibat-ibang parte ng katawan at ginagamot sa Gumaca District Hospital ay kinilala ng pulisya na sina Marlon, 39, driver; Allan, 38; Romnick, 28; Christine, 26; Regie, 28; Clinton, 32; Reymark, 24; Reynon, 41; Maximo, 45; Marlon, 39; Conrado, 66; Erwin, 53; Edward, 54, at ang kapwa driver na hindi nakuha ang pangalan

Lumalabas sa imbestigasyon na bandang alas-6:32 ng umaga ay minamaneho ni Marlon ang Manila bound na van na sakay ang 13 iba pa nang makaidlip ito dahil sa mahabang biyahe.

Nawalan umano ng kontrol sa manibela si Marlon na naging sanhi upang bumangga ito sa kaliwang bahagi ng nakaparadang tractor truck sa gilid ng highway na minamaneho ni “ John” ng Lucena City.

GUMACA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with