P108 milyong shabu samsam sa buy-bust sa Agusan
COTABATO CITY, Philippines — Nakumpiska ng mga agents ng Philippine Drug Enforcement Agency-13 ang 16 kilong shabu na nagkakahalaga ng P108 milyon mula sa dalawang dealers na na entrap sa Purok 1, Barangay Sta. Irene sa Bayugan City sa Agusan del Sur nitong umaga ng Lunes.
Naaresto sa naturang joint operation ng PDEA-13 at ng mga operatiba ng mga units ng Police Regional Office-13 ang mga shabu dealers na sina Octamar De Rama Demetrio, 32-anyos, at kasabwat na si Janray Demetrio Cala, 22, na parehong nakakulong na.
Hindi na pumalag pa ang dalawa nang arestuhin ng PDEA agents at mga pulis matapos nilang bentahan ng 16 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P108 million sa Purok 1 sa Barangay Sta. Irene sa Bayugan City.
Sa mga hiwalay na pahayag ng mga opisyal ng PDEA-12 at ng PRO-13 nitong hapon ng Lunes, naikasa ang naturang matagumpay na entrapment operation sa tulong ng mga Bayugan City officials sa pangunguna ni Mayor Kirk Asis na siyang chairman ng multi-sector peace and order council ng lungsod.
Hiniling ng mga Bayugan City officials na sampahan agad ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang dalawang shabu dealers na magkatuwang na nalambat ng PDEA-13 ang ng mga pulis mula sa mga units ng PRO-13.
- Latest