^

Probinsiya

Mister tepok, 3 kapamilya naospital sa butete!

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

VIRAC, Catanduanes, Philippines — Patay ang isang 32-anyos na mister habang tatlong kaanak ang naospital matapos malason sa inulam at pinulutang isdang butete o puffer fish sa Brgy. Sto. Cristo, Virac,­ Catan­duanes noong Linggo ng gabi.

Sinubukan pang isugod sa pagamutan pero nasawi habang nilalapatan nang lunas ang biktima na kinilala lamang sa pangalang Danilo, may-asawa, residente ng naturang barangay. Habang nakalabas na ng pagamutan at nasa ligtas na kalagayan ang dalawa nitong kaanak habang isa ang patuloy na inoobserbahan.

Sa ulat, isang kaibigan ang nagdala ng butete kay Danilo at dahil dati na umanong nagluluto at kumakain ang pamilya nito ay inadobo nito ang isda at isinama ang ilang lamang loob. Matapos maluto ay kumain ang pamilya habang pinulutan ang niluto ng nag-inuman namang mga biktima, anak, tatay, at isa pa.

Matapos kumain at mag-inuman, natulog na umano sila, gayunman, ilang oras lang ay nagi­sing ang mga biktima na masakit na ang tiyan, naninikip ang dibdib, at namamanhid ang katawan kaya agad silang isinugod sa pinakamalapit na pagamutan ng mga kaanak at residente.

Dahil sa tindi ng lason ay nasawi si Danilo.

Agad nagpadala ng mga tauhan ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa lugar at kumuha na ng sample ng nilutong isda upang masuri kung ito nga ang nakalason sa mga biktima.

Patuloy namang nagbabala ang mga opisyal ng kalusugan hinggil sa pagluto at pagkain ng butete dahil sa mataas na uri ng lasong taglay nito na tinatawag na tetrodotoxin.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with