^

Probinsiya

Misis, 2 anak kinatay ng adik na mister!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Misis, 2 anak kinatay ng adik na mister!
Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Junelyn Jimenez at mga anak na sina John Carlo, 11-anyos at LJ, 2-anyos; pawang nagtamo ng malalalim na sugat sa katawan na siya ng mga itong ikinasawi.
File photo

MANILA, Philippines — Malagim ang sinapit na kamatayan ng isang 32-anyos na misis at dalawang batang anak makaraang pagtatagain ng matalim na machete ng mister ng ginang na pinaghihinalaang lango sa droga sa Brgy. Lutac, Naga City, Cebu nitong Lunes ng umaga.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Junelyn Jimenez at mga anak na sina John Carlo, 11-anyos at LJ, 2-anyos; pawang nagtamo ng malalalim na sugat sa katawan na siya ng mga itong ikinasawi.

Pinaghahanap naman ang suspect na si Carlo Camporendondo, 32-anyos na mabilis na tumakas matapos ang krimen.

Sa report ng Naga City Police, naitala ang krimen sa tahanan ng pamilya sa nabanggit na lugar bandang alas-10 ng umaga kahapon kung saan narinig pa ng mga kapitbahay ang nakakabahalang mga sigaw ng mag-iina.

Sa pahayag sa mga awtoridad ng mga kamag-anak ng ginang, palaging nag-aaway ang mag-asawa dahil sa sobrang seloso umano ang mister at ilang beses nang pinagbabantaan ang buhay ng kaniyang misis.

Nang magresponde ang pulisya, nadatnan nila ang mga nakahandusay at duguang mga biktima na tadtad ng taga ng machete sa kanilang mga katawan na pawang wala nang buhay.

Ang suspect ay napapabalita ring isang adik sa kanilang lugar na minsan ng sumailalim sa rehabilitation program pero nang makalabas ay muling nagbalik sa masamang bisyo kung saan inaalam na ng mga awtoridad kung nasa impluwensya siya ng droga nang mang­yari ang karumal-dumal na krimen.

CRIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with