Kinatawan ng mga magsasaka, magbababoy, umangat sa survey
MANILA, Philippines — Tuluy-tuloy ang pag-angat ng AGAP Party-list sa hanay ng may 157 partylist organizations na sasabak sa halalan sa Mayo, base sa huling inilabas na resulta ng tatlong malalaking survey at research firms sa bansa para sa 2025 top party-list candidates.
Ayon kay Cong. Nicanor ‘Nikki’ Briones, ang tumatayong first nominee ng nasabing partylist na kumakatawan sa agricultural sektor kabilang na ang mga magsasaka, mangingisda at iba pa, nakakuha ang AGAP ng pang-11 na puwesto sa Tangere survey, pang-14 sa Social Weather Station (SWS) survey at pang-11 sa OCTA Research.
Ayon sa mga naturang survey firm na kung ngayong buwan gaganapin ang election kung saan mayroong 2.5% vote ang #117 AGAP partylist, makakakuha ito na ng “two seats” sa House of Representatives.
Isinasagawa ang Tugon ng Masa survey ng OCTA nang face-to-face interviews sa may 1,200 adult Filipinos simula noong Nob. 10-16, 2024. Mayroon itong ±3% margin of error at 95% confidence level.
Ang mga subnational estimates buhat sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas, at Mindanao na may ±6% margin of error sa parehong confidence level.
Isinagawa naman ang survey ng Tangere noong Enero 8-11, 2025, na ibinigay via mobile-based respondent application na may sample size na 2,400 participants (+/- 1.96% Margin of Error at 95% Confidence Level) gamit ang Stratified Random Sampling method (Quota Based Sampling), na ikinalat ito sa buong Pilipinas. Ang SWS survey naman ay isinagawa noong Dec.12-18, 2024 ng face-to-bface.
At base sa mga voter preferences nagpakita ito ng malaking suporta sa #117 AGAP partylist upang iangat ang antas ng mga magsasaka para magkaroon ng sapat na pagkain ang mga mamamayang Pilipino.
Nagpapasalamat naman si Cong. Nikki sa lahat ng mga sumusuporta sa AGAP.
- Latest