Truck hulog sa tulay: 2 patay, 2 pa grabe

Sinabi ni P/Lt. Stephen Polinar, spokesperson ng Negros Orien­tal Police na ang mga nasawi ay ang driver ng truck at isang sakay nito.

MANILA, Philippines — Dalawa katao ang nasawi habang dalawa pa ang malubhang nasugatan makaraang aksidenteng mahulog sa tulay ang sinasakyang truck na kargado ng tubo sa Brgy. Tamisu, Bais City, Negros Oriental, ayon sa ulat kahapon.

Sinabi ni P/Lt. Stephen Polinar, spokesperson ng Negros Orien­tal Police na ang mga nasawi ay ang driver ng truck at isang sakay nito.

Patuloy namang isinasalba sa pagamutan ang dalawang iba pa na kapwa nagtamo ng malulubhang sugat sa katawan.

Ayon sa imbestigas­yon ng Bais Police, ang nasabing truck ay galing sa bayan ng Mabinay at patungo sa kalunsuran ng Bais nang biglang magloko ang makina ng behikulo habang bumabagtas sa pakurbadang kalsada sa lugar noong Biyernes.

Tinangka pa ng driver na ikontrol ang manibela ng truck pero nabigo siya hanggang sa aksidenteng bumangga ito sa punongkahoy at mai-swak sa tulay.

Nagresponde ang mga rescuers sa lugar at pinagtulungan nilang maiahon mula sa ibaba ng tulay ang mga biktima saka sila isinugod sa pagamutan pero dalawa sa kanila ang binawian ng buhay.

Show comments