Mag-asawang trader pinasok ng ‘Gapos Gang’, higit P1 milyong tangay
CAVITE, Philippines — Nasa P1-milyong halaga ng pera, mga alahas at gadgets ang natangay sa isang mag-asawang negosyante makaraan pasukin ng limang armadong lalaki na hinihinalang mga miyembro ng kilabot na “Gapos Gang” ang kanilang bahay sa Brgy. Antipolo, Rosario, Batangas kamakalawa.
Iginapos ang mga kamay at paa bago binusalan pa ang mga bibig ng mag-asawang biktima na kinilala sa mga alyas na “Virgilio” at “Claveria”, kapwa ng nasabing barangay.
Sa ulat ng pulisya, ala-1:49 ng madaling araw nang pasukin ng limang armadong lalaki ang bahay ng mag-asawa habang nasa kahimbingan ng tulog.
Sa likurang pintuan ng bahay ng mga biktima dumaan ang mga suspek at nagdiretso sa kuwarto ng mag-asawa. Nabigla ang mga biktima at hindi na nakapalag nang sila ay agad tutukan ng mga baril saka kapwa iginapos at tinakpan ang mga bibig.
Nilimas ng mga susoek ang pera ng mga biktima na nagkakahalaga ng mahigit sa P800,000, mga alahas na aabot sa halagang P130,000 at mga gadgets/appliances na may halagang P125,000.00 pesos at mabilis na nagsitakas.
- Latest