Mister pinukpok ng paso sa ulo ng kaaway, tepok
MANILA, Philippines — Kalunus-lunos ang sinapit ng isang mister matapos pukpukin ng paso ng halaman at nabasag sa kaniyang ulo ng kaniyang kaaway matapos ang mainitang pagtatalo sa Brgy. Matina, Pangi, Davao City kamakalawa.
Kinilala ang nasawing biktima sa alyas na Bryan, 43-anyos, namatay habang nilalapatan ng lunas sa Southern Philippines Medical Center sanhi ng internal hemorrhage.
Arestado naman ng mga nagrespondeng pulis ang suspect na si alyas “Harry”, 44-anyos.
Sa ulat ng Davao City Police, naganap ang insidente sa labas ng inuupahang bahay ng biktima sa Brgy. Matina Pangi ng lungsod na ito.
Sa pahayag ng ilang testigo, nakita nilang nagkaroon ng mainitang pagtatalo sina Bryan at Harry kung saan sa gitna ng komosyon ay dumampot ng isang pasong may halaman ang nasabing mister at ipinukpok sa ulo ng biktima. Duguang napalupasay ang biktima na nagsuka sa insidente matapos na dumugo ang ulo nito ng mabasag ang matigas na pasong ipinukpok dito ng kaniyang kaaway na mabilis na nagtatakbo matapos ang insidente.
Agad na isinugod ng kanilang mga kapitbahay ang biktima pero nabigo nang maisalba ang buhay nito habang nasakote ng mga nagrespondeng operatiba ng ng Talomo Police Station ang suspect habang nagtatago sa isang inn sa Matina Aplaya ng lungsod.
- Latest