P34.11 milyong vape winasak sa Cavite

Sa maigting na operasyon laban sa mga ilegal na pumapasok at naibebenta sa bansa, ang mga nakumpiskang vapes ay mga walang kaukulang permit at nakakasira sa mga kalusugan lalo na sa mga kabataan.
Wikimedia Commons / Lindsay Fox

CAVITE, Philippines - Winasak sa pamamagitan ng pagsunog ang may P34.11-milyong halaga ng iba’t ibang uri ng vape products na nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC), kamakalawa sa lungsod ng Trece Martires.

Sa maigting na operasyon laban sa mga ilegal na pumapasok at naibebenta sa bansa, ang mga nakumpiskang vapes ay mga walang kaukulang permit at nakakasira sa mga kalusugan lalo na sa mga kabataan.

Ayon sa ulat, na-forfeit ang mga inisyung Warrants Seizure and Detention (WSD) ng mga kargamento matapos lumabag o hindi sumunod sa tamang proseso ng Department Administrative Order No. 22-16 of the Department of Trade and Industry (series of 2022), and Section 1113 (f) in relation to Sections 117 of the Customs Mo­dernization and Tariff Act (CMTA).

Umabot sa may 159,830 piraso ng iba’t ibang uri ng vape pro­ducts ang nakumpiska ng BOC na umabot sa P34,112,500 sa loob lamang ng may 4 na araw na operasyon sa lalawigan.

Naisagawa ang operasyon sa tulong ng  Auction and Cargo Disposal Division (ACDD), Enforcement and Security Service (ESS) at Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS).

Binigyang diin ni BOC Commissioner Bienvenido Rubio, ang pagkondena sa paggamit ng mga vape upang protektahan ang kalusugan ng publiko at tiyakin ang pagsunod sa batas.

Show comments