MANILA, Philippines — Sinunog ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tatlong marijuana plantation sites sa Barangay Badeo, Kibungan, Benguet .
Ayon sa PDEA ang marijuana plantation ay may kabuuang land area na 2,500 square meters na may nakatanim na 18,200 piraso ng fully grown marijuana plants na may halagang P3,640,000.
Sinasabing natuklasang mga pataniman ng marijuana nang magsagawa ng operasyon ang PDEA regional at provincial offices sa lugar kasama ang tauhan ng Kibungan Police Station. Agad naman nilang sinira at sinunog ang natuklasang mga tanim na marijuana.